Friday, March 25, 2011

I-Got-You=Chapter20


CHAPTER 20

“Babe, halika tingnan mo ‘to!” Aya ni Sam sa asawa. Kalalabas lang ni Devon sa kanilang banyo. She was wearing a yellow robe.

Yes! Sam married his bestfriend. Kinasal sila 2 months after maaksidente ni Sam at 5 months after na makuha ni Devon ang kanyang lisensya. Simple lang ang naging kasal nila, mga malalapit na kaibigan lang ang imbitado. Ayaw ni Devon ng magarbong kasal. Isa din sa hiling niya ay sana walang media coverage, na buong pusong pinagbigyan naman ni Sam.  

Lumapit si Devon sa nakaupong si Sam at pinagmasdan ang tinutukoy nito sa kanyang laptop. “Ano ba yan?”

“Naks bango ah!” Komento ni Sam noong makalapit si Devon. Sumimangot si Devon at inilabas ang kanyang dila. “Samvon thread!” Tumatawang sagot ni Sam sa tanong ng asawa.

“Samvon thread?”

“Sam and Devon! Thread natin!” Masayang sabi ni Sam. “Ang cute diba? Parang sabon lang!”

“Bakit? Bakit tayo may thread?” Pinaalis ni Devon si Sam mula sa pagkakaupo sa harap ng laptop nito at siya ang pumalit doon. “At bakit meron silang mga pictures natin sa Italy?” Maang na tanong ni Devon sa asawa. Kararating lang kasi nila mula sa honeymoon trip nila noong nakaraang linggo. Aware si Devon na may mga ganong thread, loveteam thread pero sino naman ang nagbigay ng mga pictures nila? Tumingin siya sa asawa.

“Nagti-tweet ako everyday eh!” Nakangiting sagot naman ni Sam.

“…And speaking of, tumawag sa akin si Tito Boy kanina. May new project daw ako… and this is a Samvon project!” Ngiting-ngiti si Sam sa binanggit. “…At dahil dyan, may meeting tayo with the big bosses after ASAP.” Pagbabalita ni Sam na malawak ang pagkakangiti.  

Napatayo si Devon. “Kasali ako?” Hindi naniniwalang tanong ni Devon habang nakaturo ang isang daliri sa sarili.

Tumango lang si Sam at niyakap ang asawa.

“No way! Hindi ako aarte!” Madiing pagtanggi ni Devon. “Ayoko!”

“Tuturuan naman kita eh!”Kumindat si Sam.

“No!” Pinanlakihan niya ito ng mata.

“Sige na!”

“Ayoko!”

Hinapit ni Sam si Devon sa bewang. Inilapit niya din ang kanyang mukha. “Sige ka, gusto mo ibang babae ang hahalikan ko ng ganito?” Tanong ni Sam kay Devon saka siniil ng halik ang asawa. Masuyo iyon, puno ng pagmamahal.

Mauuwi na sana iyon sa iba pero nagulantang ang dalawa dahil sa malakas na pagtunog ng kanilang alarm clock.

Tumatawang bumitaw si Devon sa asawa. “Magbibihis na ako…baka malate pa tayo.”

Napakamot ng ulo si Sam. Hindi rin siya makareklamo. Hindi kasi talaga sila pwedeng malate.

Birthday special ngayon ni Sam sa ASAP. Magpeperform ang mag-asawa ng isang lyrical dance number. Iyon daw kasi ang nag-uumapaw na request sa e-mail ng ASAP. Malamang gawa iyon ng mga Samvon bubbles.
  
------

“Perfect! Galing! You, guys really look good together!” Masayang sabi ni teacher Gerzel habang pumapalakpak. “Samvon ftw!” Masayang dagdag pa nito habang itinataas ang isang kamay.

Natawa sina Sam at Devon sa reaksiyon ng sikat na choreographer. Kakatapos lang magre-rehearse ng dalawa ng kanilang sayaw na gagawin mamaya, final rehearsal kumbaga.

“Bakit?” Nakangting tanong nito sa dalawa “I see the chemistry! You guys burn the stage! Feel na feel ko yung passion! Great! Great job!”

“Buti na lang sinabi niyo yan teacher G… Kabado talaga to eh!” Sabi ni Sam habang nakaakbay kay Devon.

“No! Devon. Magaling ka darling!” Sabi naman ni teacher G. at niyakap pa si Devon.

“Thank you teacher G.!” Nakangiting sagot ni Devon. Kabado kasi talaga siya dahil alam niya na magaling talaga si Sam magsayaw. Lalaylay ang performance nito kapag hindi magaling ang partner nito.

“Okay sige! Iwan ko na kayo ha!” Sabi nito at nagsimulang lumakad palayo habang kumakaway. “I think malapit na kayong isalang! Good luck guys!”

“Tara na!” Hinawakan ni Sam ang nanlalamig na kamay ni Devon at naglakad silang dalawa patungong backstage.

Umupo sila sa upuang nandoon pero hindi pa rin inaalis ni Sam ang tingin sa mukha ni Devon. “Relax!” He said as he held her chin and gave her a short kiss on the lips. “Feeling better?” Nakangising tanong niya pagkatapos.

Hinampas niya si Sam sa balikat at kunwari’y sumimangot siya. Nahihiya kasi siya sa mga ilang ASAP staffs na naroon. “Kundi hindi mo birthday, hindi ko talaga gagawin to eh!”

“Kaya mahal kita eh, hindi mo ako matiis eh!” Kinindatan ni Sam si Devon.

 “Tigilan mo yang pagpapacute sa akin! Wala ka sa timing!” Pagsusuplada kuno ni Devon. 

Tumawa lang si Sam. Masuyong niya ding niyakap si Devon.

Ilang saglit lang at dumating na ang oras ng kanilang performance. Hawak kamay silang umakyat ng stage.

-------

“Wala bang drum roll dyan guys?” Masiglang tanong ni Robi. “Heto na ang Samvon oh!”

Nafocus ang camera sa isang pares na parating. Magkahawak kamay ang mga ito at parehong malawak ang pagkakangiti. Dumiretso silang dalawa sa mahabang upuang nakalaan para sa kanila.

“Let’s welcome Samvon here in ASAP chill out!” Si Aaron naman ang nagsalita sa pagkakataong iyon.

“Okay! Guys, relax muna. Here’s some nuts, kain muna, para chill lang.” Malawak ang ngiting sabi Robi habang inuusod ang sinasabi nitong pagkain palapit sa kanila.

“Sige kain lang pero magtatanong na ako para makarami tayo ah!” Pahayag ni Aaron. “Madami kasing comment dito. Tulad nito; Devon is an amazing dancer, ang galing ni Devong sumayaw, Wow! Sana maging regular siya sa ASAP uber bagay sila ni Sam!” Humarap ito sa kanila matapos basahin ang nasa screen ng computer. “Totoo! Nanonood kami kanina sa backstage, ang galing ng performance niyo guys, Galing!” Makatotohanang pagpuri ni Aaron.

“I have to agree!” Itinaas pa ni Robi ang kanyang isang kamay.  “You guys did an amazing performance!”

“Thank you!” Sagot ni Sam. “Masipag magpractice ‘to eh!” Nakangiti ito habang hinahaplos ang isang kamay ni Devon.

“Thank you nga pala kay teacher G., siya ang nag choreograph nung sinayaw namin. Matagal na kasi akong hindi sumasayaw eh. Thank you teacher G.” Kumaway si Devon sa camera. “Tsaka magaling kasi ang partner ko. Nakakahiya naman kung magkakamali ako, birthday special pa naman niya!” At nakangiting pinagmasdan niya ang kanyang katabing si Sam.

“Naku! Ang twit naman!” Kantiyaw ni Aaron.

Nagtawanan ang mga taong naroon. 

“We have a question here. Devon, mag-aartista ka rin ba tulad ni Sam? Pasabog kasi ang performace niyo ni Sam kanina.” Tanong ni Robi noong humupa ang saglit na hiyawan.

Ngumiti si Devon. “Hindi ko pa alam…”

“Ang tanong, papayagan ba siya ni Sam?” Singit ni Aaron.

“Depende! Pag-uusapan pa namin!” Sagot ni Sam sa masayang tono.

“Yun yun eh!” Si Aaron ulit. Nakipag-apir pa ito kay Robi.

“Okay!” Agaw ni Robi sa atensyon ng mga taong nandoon. “Since ASAP chill out ‘to, kailangan nating i-grant ang mga request ng mga kasama natin online. Kantahan mo daw si Devon Sam. Kahit few lines lang.”

“What song?”

“Ikaw. Bahala ka.”

Isang kanta lang ang naisip ni Sam. “Okay sige ito na lang, I got you.”

It's funny how life can take new meaning
When you came and changed what I believe in
The world on the outside's trying to pull me in
But they can't touch me
Cause I got you...



Kinanta ni Sam iyon habang magkahawak kamay sila ni Devon, habang masuyo niyang tinititigan ang babaeng bumago ng buhay niya.

“Naku! Kayo na! Kayo na ang sweet!” Komento ng nakatawang si Robi matapos kumanta ni Sam.

“Excuse me lang guys ah! Pero meron pang isang request.” Itinuro ni Aaron ang screen kung saan puro katagang “kiss” ang naroon.

Natigilan si Devon. Napakamot naman ng ulo si Sam.

Biglang dumaan si Martin Nievera at inagaw ang microphone na hawak ni Robi. “Here at ASAP, newly weds don’t just kiss, they supah kiss” Sabi nito saka mabilis din na umalis.

Nagtawanan ang lahat na naroon pero si Devon ay namula.

Sam looked at Devon. He tilted his head on the side while he shrugged his shoulders. Ano? Pagbibigyan ba natin?

Walang masabi si Devon. Ayaw niyang pumayag sa buyuan na iyon. Nahihiya kasi siya.

Eventually, Sam gave in to Samvon’s request. He gave his wife a kiss, a long and passionate kiss under his signature hoody jacket.

---Wakas---

I-Got-you=Chapter19


CHAPTER 19

Sana walang nangyaring masama! Paulit-ulit na usal ni Devon habang lakad takbong tinatahak nila ni Quen ang daan patungo sa kwartong kinaroroonan ni Sam.

Niyakap siya ni Tito Boy, ang manager ni Sam noong makita siya. Nakatayo ito sa labas ng silid ni Sam. Umiiyak, walang anumang masabi. Maya-maya pa ay lumabas mula sa silid na iyon si ‘Nay Ernie. Mas kalmado ito pero mugto ang mga mata.
Devon, we need you to be here. I can’t stand to be here.” Sabi ni Tito Boy habang nakatungo at umiiling. Ang pag-iyak nito ay tuloy pa rin.

“Nakatawag na ako sa parents niya, inaayos na nila ang kanilang pagbalik.” Pagbibigay impormasyon din ni ‘nay Ernie. Nasa abroad kasi ang mga magulang ni Sam.

“Anong nangyari? Kumusta siya?” Tanong ni Devon matapos kumawala sa mahigpit na yakap ni Tito Boy. Panay na din ang tulo ng luha niya.

“Galing siyang Batangas. Bumangga siya sa isang malaking puno.” Ipinakita din nito ang litratong galing sa cellphone nito.

Natutop ni Devon ang kanyang bibig. Sirang-sira ang kotse nito. Hind aakalain ng sino man na mabubuhay pa ang nakasakay doon.

“He’s alive! Gumana ang air bag ng sasakyan at buti na lang nakaseat belt din siya. May mga sugat siya sa mukha at ulo pero buhay siya! Unconscious pa siya, Devon. Sabi ng doctor niya kung mananatiling siyang ganong…” Napaiyak si ‘nay Ernie.

Niyakap niya ito at pilit na pinigilan ang pag-iyak. “Hindi! ‘Nay gigising siya! Gigising yun!” Pahayag niya kahit siya mismo ay hindi kombinsido sa sinabi. Tinapik-tapik niya ang balikat nito matapos nila magyakap.

“Aalis muna kami Devon. Ikaw muna ang bahala sa kanya. Aasikasuhin pa namin kung paano ito sasabihin sa publiko. Babalik kami. Tumawag ka kung may kailangan ka.” Pagbibilin ni Tito Boy sa kanya bago ito umalis kasama si ‘nay Ernie.

Tumango lang siya pero noong nawala ang mga ito ay umiyak na naman siya. Niyakap lang siya ni Quen habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Sinamahan siya nitong pumasok sa silid ni Sam. Nakita nilang nakabenda ang ulo nito. Madami ding sugat sa mukha ang binata.

Lumipas na ang 4 na oras pero hindi pa rin nagigising si Sam. Alas dos na ng madaling araw, nakaalis na din si Quen dahil may napakahalagang commitment pa ito.

Kahit na inaantok siya ay pinilit niya linabanan iyon. Ayaw niyang matulog dahil anumang oras ay baka magising si Sam. Gumising ka na. Madami akong sasabihin sayo, bulong niya habang nakatunghay sa binata at nag-uunahang pumatak ang kanyang mga luha.

“Siguro, ang mahal ko lang ay ang alalala natin, yung dating tayo. Kung paano tayo dati.” Pahayag niya kay Quen na ikinagulat nito. Kasalukuyan silang katayo sa may swimming pool ng bahay nito. Pinuntahan niya ito makalipas ng mahabang pag-iisip dahil sa mga sinabi ni Sam.

Kitang-kita sa mukha nito ang matingding kalungkutan dahi sa kanyang mga sinabi pero nagpatuloy siya. Mabuti na kasi ang ganon kesa patagalin pa niya.

“Hindi ko kasi maipaliwanag yung pakiramdam pagkagising ko kanina, parang walang nagbago, parang may kulang pa rin. Hindi ako masaya. Pero noong sinabi sa akin ni Sam na mahal niya ako, doon ko nalaman ang sagot, na kaya pala hindi ako masaya kasi mali yung taong pinili ko. Hindi pala yun yung totoong mahal ko. I’m sorry Quen, sorry!” Mapusong paghingi niya ng tawad dito.

Napaiyak si Quen, nasaktan pero nanatiling walang imik. Sandaling nagyuko ito ng ulo saka muling tumingin sa kanya. “Okay lang yan! Si Sam naman eh, mahal ka nun! Dati ko pang alam yun, naramdaman ko kasing uminit ang dugo nun sa akin simula nung pormahan kita eh…” Pilit na nilangkapan nito ng masayang tono ang sinabi.

Umiiling na hinatak niya ito para yakapin.

Niyakap din siya ni Enrique. Mahigit iyon. Parang ayaw siyang pakawalan habang nakasubsob ito sa likod niya nang umiiyak. Hinayaan lang niya ito. Matagal silang nasa ganong posisyon hanggang mamaya ay si Quen na ang bumitaw.

Pinunasan nito ang mga luha. “Pwedeng isa pa? Hindi na kasi kita mayayakap pa ulit ng ganito eh.” Natatawang hirit ni Quen.

Tumawa din siya at niyakap itong muli.
--------

Nagmulat ng mata si Sam. Nakahiga siya sa isang kama at nakasuot ng hospital gown. Ang huling naaalala niya ay nabangga niya ang isang malaking puno. Apat na beses na bumaliktad ang kanyang sasakyan saka siya nawalan ng malay.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Malakas ang tibok ng puso niya. Buhay pa siya, buhay na buhay!

“I’m alive my God I’m alive!” Masayang sabi niya kahit nagsimulang maramdaman niya ang matinding sakit sa ulo.

“Yes. You are! Thank God!” Naluluhang sabi ni Devon, nakangiti ito sa kanya. Tumayo ito mula sa isang upuan doon. Matagal na siguro doon ang dalaga, hindi niya lang napansin agad.

“You’re here!” Sabi niya kay Devon.

Ngumiti si Devon at tumangu-tango. “I want to see you!”

Iniiwas niya ang tingin. Naalaala niya kasi ang nangyari bago siya umalis. “How’s my car? I remember I flipped 4 times.” Kwento niya na itinaas ang kanang kamay para ipakita ang  4 na daliri.

Ngumiti si Devon at patuloy lang na nakatingin sa mukha ni Sam. Akala niya ay hindi na ito magigising kanina. Inakala niya ring baka magka-ammesia ito.  Pero base sa reaksiyon nito ay normal ito. Naalala kasi siya.

Biglang natigilan si Sam, ibinababa nito ang kamay. Muli niyang tiningan ang paligid at ang katawan. Nakakunot noo ito. “I’m in a hospital, I think! …And I’m alive!” Masayang sabi nito. “Thank God!”

Pakiramdam ni Devon ay tumaas lahat ng buhok niya sa ulo. “Yeah! Thank God!” Kinakabahang sagot niya. Sadyang iniiwas niya ang tingin kay Sam pero ramdam niyang tinitingnan siya nito. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Nakatingin lang si Devon sa kanyang relo.

Makalipas ang ilang sandali ay muling nagsalita si Sam.“I thought I was going to die. It’s amazing I’m alive. My car flipped 4 times.” Kwento nitong muli.

Nagyuko ng ulo si Devon. Naramdaman niya kasi ang pag-iinit ang kanyang mga mata. Tumalikod siya kay Sam at pinahiran ang mga namumuong luha.

Kagat ni Devon ang kanyang labi habang nakatunghay sa wall clock ng ospital.  

“I’m alive!” Masayang sabi ni Sam sa pang-apat na pagkakataon. “Sirang-sira malamang yung kotse ko. Apat na beses iyong bumaliktad.”

Napapikit si Devon noong muling marinig niya si Sam na nagsalita. Napaiyak na siya ng tuluyan. Something is wrong with his brain!

------

“What? His brain restarts every 30 seconds?” Muling tanong ni Devon sa doctor na kaharap. “He’s an actor, he memorizes lines. He can’t just have a 30-second memory!” Naghi-hysterical na sabi ni Devon.

“Maybe his brain was badly shake.” Sagot naman ng doctor.

Tumawa siya ng pagak. “I thought his scans are clean?!”

Tinitigan siya nito. “Doktor ka, Alam mo kung gaano kamisteryoso ang utak ng isang tao.” Nagpakilala na kasi si Devon kanina. “I saw the picture of his wrecked car. Nakita mo ba kung anong nangyari sa sasakyan niya? It’s a miracle that he’s still breathing! I understand your concern, Dr. Seron. But he’s under observation. Let’s just hope it’s temporary.” Bahagyang tinapik nito ang kanyang balikat at mabilis ng umalis.

Napahawak siya sa kanyang noo. Ilang beses siyang  huminga ng malalim. Hindi makakatulong kung maninigaw siya ng mga tao. She is a doctor! She needs to think like a doctor!

Naaksidente si Sam mga bandang 7:OOpm. Nadala sa pinakamalapit na ospital, nalipat ng Makati Med. ng 10:30pm. Nagkamalay ito ng 5:40am, now it’s 6:00am. Anumang nangyari sa utak ni Sam ay dapat temporary lang!

Tinawagan niya si’nay Ernie at mabilisan ikwenento ang nangyari. Nakiusap siyang gumawa ito ng paraan para wala munang maging bisita si Sam. Mabilis din niya tinapos ang tawag na iyon.

Tumingin siya sa nakapinid na pinto ng kwarto ni Sam. Pinihit niya ang doorknob at  pumasok doon. Nagulat si Sam sa pagpasok niya pero hindi niya iyon alintana.  “Naaksidente ka and your brain restarts every 30 seconds.”

Lalong nagulat si Sam sa narinig pero nagpatuloy magsalita si Devon.

“Hindi pwede yun, kaya kailangan nating i-exercise yang utak mo.” Kalmadong kumuha ng papel at ballpen si Devon sa kanyang bag. Mabilis na isinulat niya in bullets and in sequence ang mga nangyari matapos nitong umalis ng condo.

=Noong umalis ka saka ko na-realized na mahal kita!
=I broke up with Quen
=You had a car accident on your way back to Manila
=Now, your mind restarts every 30 seconds.

Yun lang ang isunulat niya. Tumayo siya sa harap nito at ipinakita yun.

“Mahal mo ako? … And you broke up with Quen?”

“Oo! Kaya lang mabilis ka ng umalis…” Madami pa siyang sinabi at nakwento pero maya-maya lang ay…

“What? You…love…me?” Turo nito sa sarili.

Another 30 seconds! Pinilit ngumiti ni Devon at muling sumagot, nagpaliwanag, nagkwento.

Paulit-ulit lang silang ganon. Noong oras na ng pagkain saka lang sila tumigil. Hindi gutom si Devon pero lumabas siya Hinayaan niyang kumain si Sam kasama ang isang nurse.

Hinanap ni Devon ang chapel ng ospital, nagdasal siya doon habang iyak ng iyak. Mahal ko po siya. Paano po kami makakagawa ng mga magagandang alaala kung ganon kaiksi ang memorya niya? Please Lord tulungan niyo siya. Nagsusumamo po akong pagalingin niyo po siya.

Noong kalmado na uli siya ay binalikan niya si Sam. Sasabihin niya kay Sam ang kailangan nitong marinig kahit pa kada 30 segundo niya yun uulitin. Hindi siya mapapagod, pipilitin niyang wag mapagod. Tutal naman ay siya ang dahilan kung bakit ito naaksidente. Yun lang ang pwede niyang gawin, to make him feel good every 30 seconds. Tatlumpung segundo lang kasi ang kaya ng utak nito.

Tumingin siya kanyang relo, alas dos na ng hapon. Wala pa ring magandang nangyayari. May pagkakataon na umabot ng 1 minuto ang memory span nito pero mas madalas na kalahating minuto lang iyon.

Frustrated na siya kaya nilapitan niya si Sam at hinalikan sa labi. Saglit itong tumugon pero itinulak din siya palayo. “Why are we…?” Naguguluhang tanong nito.

“Wag ka ng mag-isip. Wag mo ng gamitin yang utak mo, please!” Pahayag ni Devon saka muling hinalikan si Sam.

Devon, stop! It’s you and Quen!” Naiinis na itinulak siya nito.

Umiyak na siya. “Oo naging kami pero hiwalay na kami… mahal kasi kita, mahal pala kita.”  Sabi ni Devon habang panay ang buhos ng luha.

Seryoso lang na nakatingin si Sam.    

“I love you, I really do! But I guess it’s too late… You can’t even remember that I told you that hundred times today.” Nagpahid siya ng luha. “…That I have been telling you that since you wake up… Sam, 8 oras ka nang gising. Pero dahil kada 30 segundo ay nag-rerestart yang utak mo, hindi mo matandaan na sinabi ko na mahal kita… na mahal kita… na mahal kita Sam!” Inulit-ulit niya ang katagang iyon. “Please tandaan mo namang mahal kita, kahit yun lang!” Itinakip niya ang kanang kamay sa kanyang bibig upang pigilan ang kanyang pag-iyak pero hindi niya mapigil ang kanyang paghagulgol. Lumabas na lang siya ng kwarto ni Sam at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.

Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay pumasok siya sa public CR. Aayusin muna niya ang sarili bago muling humarap kay Sam.

Napatakbo si Devon noong makitang madaming nurses ang ang lumalabas mula sa kwarto ni Sam. Kinabahan siya. “Excuse me, anong nangyari sa pasyente?” Pasigaw na tanong niya dahil medyo malayo pa siya.

Sinagot siya ng isang nurse. “We thought he coded. May pumindot kasi sa code button niya eh.” Ngumiti ito. “He’s fine. He just wants to see you!” At bumalik na ang mga ito sa nurse’s station.

Nakahinga siya ng maluwag. Mabilis siyang pumasok sa kwarto ni Sam. Nabungaran niya agad ang magandang ngiti nito.

“Ang tagal mo ah! Susundan na sana kita kaso hindi ko pa kayang tumayo mag-isa. Wala tuloy akong choice kundi pindutin yun.” Nakangiting sabi ni Sam sa kanya.

Halos hindi makapaniwala si Devon sa mga narinig.

“Sabi ng wall clock na yan…” Turo nito sa orasan. “…more than 20 minutes kang nasa labas…” Tumatawa at puno ng pagmamalaking sabi ni Sam kay Devon na hindi pa rin makakilos sa labis na pagkabigla. “…And that means my mind is back!”

Muli na namang umiyak si Devon pero sa ngayon kasabay ng pag-iyak nito ang kanyang pagtawa. “You’re really back!” Kagat niya ang kanyang labi habang sinasabi iyon. Punung-puno ng kaligayahan ang puso niya. Lumapit siya kay Sam at niyakap ito. Mahigpit silang nagyakap na dalawa habang umiiyak at tumatawa.


I-Got-You=Chapter18


CHAPTER 18

Nakapangalumbaba si Devon sa harap ng kanyang pinggan. Iniisip niya ang nangyari noong nakaraang gabi. She was so sure that she wanted Enrique back. Pero ngayon bakit parang hindi siya masaya? Bakit parang hindi siya kontento? Bakit parang may kulang?

Something inside her is saying she’s doing a mistake. Mali bang tangapin niya ulit si Quen? Is it wrong to give him another chance? Bakit ba siya nag-dadalawang isip e ang tagal niyang inantay na mangyari muli ang lahat ng ito?     

Napapikit siya at bumuntong-hininga. Naalala niya si Sam. Kailangan niya ng kausap. Kahit kontrabida ito sa kanila ni Quen ay may sense din naman ito minsan and besides he’s her bestfriend. He needs to know.

Tinapos niya ang pagkain at naligo. Pupuntahan niya si Sam. She needs him right now!

------

“Shit! Shit! Shit!” Sunud-sunod na pagmumura ni Sam habang panay ang suntok sa tiles ng kanyang banyo. Nagkabitak-bitak iyon. Nagkasugat din ang kamay niya pero wala siyang maramdamang sakit, manhid na ang katawan niya. Pagkarinig niya sa sinabi ni Devon kanina ay pumasok siya agad ng kwarto, inilock iyon saka tumuloy ng banyo.

Pumikit siya at itinapat ang mukha sa nakatodong shower. Doon niya ibinuhos ang pag-iyak. Matagal din siya sa ganong ayos. Maya-maya pa ay bahagya siyang kumalma.

Matapos kumalma ay naligo na siya ng tuluyan, matagal ang bawat kilos niya. Ayaw niya kasing makita si Devon. Gusto niyang nakaalis na ito paglabas niya.

Nang sa wakas ay natapos din siyang magbihis ay pinakiramdaman niya kung may tao pa sa labas ng kanyang kwarto. Walang anumang galaw mula sa labas kaya unti-unti niyang binuksan ang pintuan para silipin kung nasa sala pa rin ba si Devon.

Wala na ito. Nakita niyang nakatiklop na din ang laptop na kanina’y gamit nito. Malamang umalis na nga ang dalaga. Lumabas si Sam ng kwarto.

“Bakit ka ganyan?” Boses iyon ni Devon.      

Gulat na napalingon si Sam sa pinagmulan ng boses. Nakita niyang nakaupo ang dalaga sa sahig. Nakasandal ito sa labas na dingding ng kanyang kwarto.

“Bakit ganyang ang reaksiyon mo? Bakit parang hindi ka masaya? Parang napakalaki ng pagkakamaling ginawa ko.” Tanong ni Devon sa kaibigan. Nanatili pa rin itong nakaupo sa sahig. Kaninang tinalikuran siya ni Sam matapos niyang sabihing sila na ni Quen ay hindi na siya umalis doon. Napagod na lang siya sa kakakatok dahil ayaw siyang pagbuksan nito.

Napailing si Sam pero pilit na ngumiti. “Ano ka ba? Masaya ako o!” Ginamit pa nito ang isang kamay para lawakan pa ang kanyang pekeng pagngiti.

“Why is it so hard for you to be happy for me?” Tanong ni Devon na nakakunot noo.

“Ano ka ba? Devon, kung masaya kayo di masaya kayo!” Itinaas pa nito ang dalawang kamay. “Bakit ba kailangang kasali pa ako?” Tumalikod ito at lumakad palayo.

Napatigil ito saka lumingon sa kanya. “At pwede ba? Tumayo ka dyan at umuwi ka na!”

Tumalima naman si Devon at lumakad palapit sa kanya. Tumayo ito sa harap niya, tumingin sa mukha niya pero walang anumang sinabi.

He gave an exasperated sighed. “Whatever you have with Quen, that’s between the both of you. Hindi ako kasali. Why is it so hard for you to understand that?”

“Why is is so hard for you to understand that you are my family?” Tumaas ang boses ni Devon. “You are my only person. You are my best friend. We are each other’s baby sitters for so long.” Madiin ang mga huling pahayag ng dalaga habang nakatitig sa kanya.

“Sam, I am scared. I’m afraid that one day he will leave me again. And as my only person, I need you to tell me he won’t. You should be there cheering me up. I need you to say that this time Quen and I are going to have our happy ending. I want you to stay by my side. Sabihin mong tama tong ginawa ko.” 

“Tapos ka na ba?” Naluluhang tanong ni Sam sa kaibigan. Masaya siya na ganon siya ka-importante kay Devon. Pero selfish siya eh, he wants more. Hindi niya pa kasi talaga kaya. “Umuwi ka na…” Mahina ang boses ni Sam. I need time to be okay, parang-awa mo na umuwi ka muna!

“Sam…” Hinawakan siya ni Devon sa braso.

“Anong bang gusto mong gawin ko?” Napasigaw na siya. Kumawala na ang kanina pa niya tinitimping emosyon.

Nabitiwan siya ni Devon.  

“Magpaparty ako? Sabihin ko na you’ll make beautiful babies together? No! I can’t say that!” Lalong lumakas ang boses niya sa sinabi. “‘Cause I hate to even think about it!” He added in clenched teeth.

Tinitigan niya si Devon. “Do you know why? Come on! Ask me why!” Naghahamon na tanong ni Sam habang nakapamewang.

Nakatingin lang sa kanya si Devon, napipi sa taas ng boses at emosyon niya.

“Because I love you…” Nakayuko at halos pabulong na sabi ni Sam. “Yes! I love you Devon” Iniangat niya ang ulo at tinitigan ang dalaga. “Mahal kita, na para bang gusto ko na lang mamatay noong sinabi mong kalimutan na natin ang halik na iyon. Mahal kita na sana bumulagta na lang ako kanina bago ko pa marinig na kayo na ulit.” Madiin at puno ng emosyon ang mga pangungusap nito.

Wala pa ring masabi si Devon. Hindi niya alam kung paano sasagot sa mga salitang iyon ni Sam.

Tumulo ang mga ilang butil ng luha mula sa mapula nang mga mata ni Sam. Kanina pa niya pinipigil iyon pero hindi na niya kaya. “That’s why I want you to go! Sana kasi umuwi ka na lang! Because I hate to say it. I dont want to say it!” Pinahid niya ang mga luha at tumalikod.

Mabilis siyang naglakad patungo sa pintuan. “If you could only see your self right now, ang asim ng mukha mo. Nandidiri ka sa akin.”

Iyon na ang huling narinig ni Devon. Iniwan na siya ni Sam.

Please listen to this song or just read the lyrics before you go to  the next chapter. :)

Backstreet Boys - How Did I Fall In Love With You lyrics

Artist: Backstreet Boys Lyrics
Remember when, we never needed each other
The best of friends like
Sister and Brother
We understood, we'd never be,
Alone

Those days are gone, and I want you so much
The night is long and I need your touch
Don't know what to say
I never meant to feel this way
Don't want to be
Alone tonight

chorus:
What can I do, to make you mine
Falling so hard so fast this time
What did I say, what did you do?
How did I fall in love with you?

I hear your voice
And I start to tremble
Brings back the child that, I resemble

I cannot pretend, that we can still be friends
Don't want to be,
Alone tonight

chorus:
What can I do, to make you mine
Falling so hard so fast this time
What did I say, what did you do?
How did I fall in love with you?

Bridge:
Oh I want to say this right
And it has to be tonight
Just need you to know, oh yeah

I don't want to live this life
I don't want to say goodbye
With you I wanna spend
The rest of my life

chorus:
What can I do, to make you mine
Falling so hard so fast this time
What did I say, what did you do?
How did I fall in love with you?

What can I do, to make you mine
Falling so hard so fast this time
Everything's changed, we never knew

How did I fall, in love, with you?



I-Got-You=Chapter17


Chapter 17

“It’s Robi!” Nakangiting sabi ni Quen kay Devon. They were in a restaurant. Naiiiling na nag-type siya sa kanyang phone, ang daming kasing tanong ni Robi. Hindi na kasi siya makakasunod pa sa usapan ng grupo. May naisip kasi siyang gawin matapos nilang kumain ni Devon.

Devon just smiled and continued eating.

 “After this, we’ll go somewhere!” Masayang turan ni Quen na hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.

She gave him a quizzical look.

“I want to show you something…” He gently said.

She smiled again. “Mahilig ka pa rin sa mga surprises!” Wala sa sariling nasabi ni Devon. That’s actually one of the beautiful things she likes about Quen, maybe one reason why he’s unforgettable.
 
He just smiled. She still remembers!

Natapos nilang kumain ay pumunta sila sa bahay nito. She was awed by it’s beauty. The  two- story modern house with a very masculine interiors is just amazing.

“You’re really a smart investor!” Komento ni Devon habang nakatayo sa living room. Kanina niya pa iyon inuulit-ulit habang nililibot nila ang bahay.

“I still have one thing to show you!” Sabi ni Quen saka siya inakay sa malawak na garahe.

Sa garaheng iyon ay nakaparada ang isang magarang sasakyan. Wala siyang masyadong alam sa mga sasakyan pero hindi rin naman siya ganon katanga. “Wow!” Yung lang ang nasabi niya pero paulit-ulit.

A ford track!

“It’s customized!” Masayang pahayag ni Quen. “Kanina lang nadeliver at gusto kong ikaw ang pinakaunang makakita. Come!” Aya nito kay Devon.

Kompleto ang sasakyan. May toilet, may higaan, may closet at meron ding TV. Maganda ang loob ng sasakyan, cozy. May ref pa nga eh. Kung may balak kang magtago doon ng ilang araw ay pwedeng-pwede. Hindi mo na kasi kailangang lumabas pa dahil halos lahat ay nandoon na.

“This is a lot of money!” Nakangiti at naiiling na sabi niya kay Quen noong makalabas sila ng sasakyan.

“No. This is a lot of sleepless nights…and head aches! … and body pains!” Tumatawang sagot naman nito.

Nginitian niya si Quen. “…And you deserve it! You.. work really hard!” Sumunod ang mahinang tawa niya while she shook her head. “I… I was about to say you deserve it ‘cause you are a great actor…but ironically I don’t watch any of your project! I’m sorry!” Tumawa siyang muli sa naisip.

“You probably don’t want to see me with other girls, so don’t be sorry!” He answered in glee.

“Partly yes!” She shrugged. “But… the other part says… I hate you and I don’t want to see your face!” Unti-unting nabura ang masayang tono niya. Muli niya kasing naalala ang kanilang mapait na nakaraan. Muling naalala niya ang sakit, ang dahilan kung bakit ayaw niya manood ng TV sa mahabang panahon.

Napatingin lang sa kanya si Quen. Ibinuka nito ang kanyang bibig pero hindi nito alam kung anong sasabihin. Sa huli ay napayuko na din ito.

Sa kanilang nakaraang dates ay hindi kasi nila napag-uusapan ang mga dating nangyari. Both talked and asked about the present. Both were acting like an adult, trying to believe that past is really past!

But it’s not, it’s not the case for both of them! Malalim pa rin ang sugat sa puso ni Devon at matindi pa din ang takot ni Quen sa consequence ng ginawa niya noon.

“Sinabi ko na bang galit ako sayo? Nagpatuloy si Devon.  “Na galit na galit ako sayo?”

Madiin ang bawat salitang iyon ni Devon. Tumatagos sa pagkatao ni Quen, ramdam na ramdam niya ang galit sa boses ng dalaga. Gayunman, tinapangan niya ang sarili at tumingin sa galit na mukha ni Devon.

“You didn’t even have the guts to tell me in my face…” Pumatak ang ilang butil ng luhang kanina pa niya pinipigil. Pinahid niya ang mga iyon at nagpatuloy. “I hate you for making me feel that pain.” Sinampal niya ito ng ubod ng lakas.

Matapos iyon ay parang naubos ang lakas ni Devon. Napaluhod siyang umiiyak sa sahig. “Sa wakas nasampal din kita! I know this is ridiculous for some people but I don’t care. You can say that this is inappropriate, na sobrang delayed reaction ako but I don’t care…I just want to stop acting I’m okay because all this years, I am not! I tried but I just can’t!”

Tiningnan ni Quen ang babaeng minahal at patuloy pa ring minamahal. Nakagat niya ang kanyang labi. Masyado niyang sinaktan ito. Hindi na rin magkamayaw ang pagpatak ng mga luha niya habang nakatunghay sa patuloy na umiiyak na dalaga. Itinayo niya si Devon at niyakap ng mahigpit. “I’m sorry! I’m sorry!” Iyon lang ang pwede niyang sabihin. Wala siyang pwedeng idahilan.

Nag-iyakan sila ng matagal. Walang ginawa si Enrique kundi yakapin si Devon ng mahigpit at paulit-ulit na mag-sorry.

Maya-maya ay naramdaman ni Quen na tumigil nang umiyak si Devon. He pulled back and gently wiped her tears with his hands. “Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo at hindi iyon mababayaran ng ilang libong sorry.” He held her hand so tight. “But now, I am offering my loyalty… my love… my all. I want to wake up with your smile, to experience my heart swell again just because of your adoring gaze. Can you please give me a chance?” Umiiyak na pagsusumamo ni Quen.

Muling umiyak si Devon. Matagal na niyang gustong marinig iyon. Matagal na!

“Yes! You can have your chance…” Ngumiti siya habang panay ang pahid sa mga luha. “I was actually wishing you’ll ask that!”

I-Got-You=Chapter16


CHAPTER 16

“Quen isn’t really coming?” Aj asked again. Kasalukuyan kasi silang nasa bagong bahay nito sa Alabang. Tangan-tangan nito ang isang bote ng alak at pinapanood ang mag-isang nagbibilyar na kaibigan.   

“Yeah! He’s on a date!” Sagot ni Robi, hawak ang tako ng bilyar habang naghahanap ng magandang pwesto para sa isang magandang tira.  

“Again?” Hindi mapigilang tanong ni Aaron na nakaupo sa isang sulok habang nguya ng nguya ng mani.    

Aba noong nakaraan, nasa date na naman siya ah.” Komento ni Enchong habang mag-isang nilalantahan  ang isang box ng pizza.

“Well… What can we do? Inlove eh!” Robi shrugged his shoulders.  

“Do you have any idea who the girl is?” Tanong iyon galing kay Enchong. “Mukhang seryoso talaga siya dun kung pati ang mi-minsang get together natin ay ininjan niya.”    

Tumawa si Aj. “Kung ang kadate niya ngayon is the same girl he dated last time na ininjan niya tayo…seryoso nga siya nun! Pero pag hindi…” Sadyang ibinitin nito ang sinasabi saka ngumisi.    

“Ang alam ko yun pa rin yung girl pero kahit anong pilit ko ayaw niyang sabihin o ipakilala. He’s keeping it a secret!” Si Robi na naman ang sumagot.

“Wow! That is something! Feeling ko tuloy malapit ng ikasal yung lokong yun. Kung nagkataon, siya ang unang magkakaasawa sa atin, bad!” Tumatawang sabi ni Aaron.

Nagtawanan ang lahat sa pahayag ni Aaron.  

“Quit talking about them. Let them be, guys!” Sa wakas ay nakisali din si Sam sa usapan. Nakaupo itong nakatalikod sa kanilang lahat, naglalaro ng wii. Nag-iinit na kasi ang tenga niya sa mga naririnig.
      
Simula noong araw na ma-realize niya na wala siyang kapag-a-pag-asa kay Devon ay pinilit niya ang sariling tigilan na ang pakikialam sa panliligaw ni Quen kay Devon.

Naririnig niyang nagkukulitan ang mga kaibigan. Tatawagan daw nila si Quen sa kalagitnaan ng date nito, desidido ang mga itong alamin kung sino ang ka-date ng pihikang si Enrique.

Nanatiling siya sa kanyang kinauupuan. Hindi siya makikisali. Pipilitin niyang wag makialam sa date ng mga ito ngayon o sa mga magiging date pa nila sa hinaharap. Dumiin ang pagpindot niya sa gadget na hawak. Wala kasi naman siyang karapatan. He’s just a friend!

------

“Sam, bagay kayo!” Nakaharap si Devon sa laptop niya, kasalukuyang nagba-browse sa thread ni Sam. Ang babaeng tinutukoy nito ay isang modelo. Maganda ito, matangkad. The picture was taken in a showbiz function. Nakaakbay si Sam dito.

Umangang-umaga pa lang ay naroon na si Devon. Namimiss na daw kasi siya nito. Sadya kasing umiiwas si Sam sa kaibigan. Hindi siya martir, ayaw niyang makita ito habang masaya ito kay Quen. Oo, selfish siya dahil hindi niya magawang maging masaya sa dalawa. E say un ang pakiramdam niya eh. He just hopes that in due time he will be okay.      

Lumapit si Sam kay Devon at sinilip ang sinasabi nito. He shook his head. “Hindi ko siya type! Party animal yan eh!”

She raised a brow. “Oh! So anong type mo?”

“Yung simple lang dapat” Sagot ni Sam na sa pagkakataong iyon ay nakabalik ng muli sa kanyang pagti-tread mill.

“Okay! Sige… Ito feeling ko magugustuhan mo ‘to.” Nagtype si Devon sa laptop nito. Tumambad sa screen ang isang morena beauty queen na nakita niya sa binabasang magazine ni Sam noong nakaraang araw. Mabilisang binasa nito ang profile ng tinutukoy nito. “Impressive! I think she’s your ideal girl” Masiglang pahayag nito saka lumingon sa kanya.

Hindi sumagot si Sam. Lalo nitong binilisan ang tread mill. Simple ka lang di ba? Hindi ba pwedeng ikaw na lang?

Sinimulang basahin ni Devon ang mga nakasulat sa profile nito. “She’s a CPA… She has a clothing business… She loves extreme sports… She was a varsity player… She loves kids…! Ideal date? Picnic by the beach!...” Tumawa si Devon. “Showbiz crush? Sam Concepcion!” Lalong lumakas ang tawa nito. “I was just kidding. It’s Hayden Christensen actually, pero di ba mas gwapo ka naman dun?” Nakangiting tanong ni Devon.            

Pinatay ni Sam ang tread mill at tumalon mula roon. Kinuha nito ang tuwalyang nakasabit sa kanyang balikat at nagpunas. “Sandali nga! Teka? Ano ‘to?” Nakapamewang na tanong niya kay Devon. He was topless. He was just wearing a black jogging pants and a rubber shoes.  

“Wala lang!” Nagkibit balikat na sagot ni Devon. 

“Anong wala lang? You don’t normally do this! Ngayon, para kang nagbebenta sa aking ng babae eh” Seryosong pahagay ni Sam.

“I want you to be happy!”

Napahalukipkip si Sam. “Come on! Spill it out” Hindi siya naniniwala sa sagot niya. Hindi kailan man nakialam ito sa mga ganong bagay.

Tumayo ito sa harap niya at humugot muna ng malalim na hininga. “We are friends… and I want to help you find your perfect girl… ‘cause I think I already have mine…” Devon said looking straight to his eyes.

Tahimik lang na nakikinig si Sam. Tumigil yata mag-function ang utak niya.

“I said yes…” She stated in a weak tone. “… Last night!”

Napakurap si Sam.

“Quen and I are… We are back together!” Nakangiting balita ni Devon.  “Gusto kong isa ka sa mga unang makaalam.”

Hindi nakapagsalita si Sam. Inasahan na niya iyon pero bakit parang hindi pa rin siya handa? Alanganin siyang ngumiti at mabilis na tumalikod. He’s about to cry and he does not want her to see him that way.