Friday, March 18, 2011

I-Got-You=Chapter8


CHAPTER 8

Kanina pa hindi mapakali si Devon sa suot niya. She’s wearing a blue tube gown made by Pepsi Herera. Sobrang ganda niya. Iyon ang paulit-ulit na sabi kanina ng mga tao sa bahay nila bago siya umalis. Inayusan siya ng isang kapitbahay nilang make-up artist. Nagtatrabaho kasi iyon sa isang sikat na salon.

Simple lang ang make-up niya saka nakalugay ang mahaba at bahagyang kinulot niyang buhok. Hinanap niya ang mama at papa ni Sam, binati niya ang mga iyon.

“You are so lovely Devon. Sam should see you!” Nakangiting bulong sa kanya ni Tita Claire noong magbeso sila. “Anjan lang yun. Pakalat-kalat.”

Alanganing ngumiti siya. Hindi pa siya nakikita ni Sam na ganito ang suot. Noong final fitting kasi niya ay ayaw talaga siya nitong tingnan. Gusto daw niya kasing ma-surprise.

“Enjoy the night iha! Iwan ka muna namin. Puntahan lang naming yung mga ibang bisita.” Sabi ng papa ni Sam sa kanya saka umalis ang mag-asawa.

Inikot niya ang paningin. Nasan na nga kaya si Sam?

“Wow! You are stunning!” Si Sam iyon naglalakad galing sa bandang kanan niya.

Nahihiyang ngumiti siya. Ikaw din! You are so beautiful; I adore you by the way! He was wearing a very elegant 3-piece black suit.

“Eh ako? Purihin mo naman ako!” He stood straight and confidently smiled.
     
Tumawa siya ng mahina. “Gwapo!” Sobra!

“Mabuti naman!” Lalong lumaki ang ngiti nito. “Nandito kasi siya eh!”

“Sino?” Naguguluhang tanong niya.
 
“Si Janine” Ang tinutukoy ni Sam ay ang crush nitong kapatid ng isang sikat na artista. Ilang beses na ding nakwento ni Sam iyon. Balak daw niya itong ligawan kaso wala daw kasi silang pagkakataong magkakilala ng personal. “She was invited by my manager” Excited ang mata ni Sam, halatang kinikilig.

Pasimpleng hinanap ng mga mata niya si Janine. Kilala niya ito dahil madalas itong maging cover ng magazine. Alam niyang maganda ito. Pero ngayon gabi ay mas gumanda pa ito. Nalungkot siya pero hindi niya ipinahalata.

“Don’t worry hindi kita iiwan mag-isa…iiwan kita kay Enrique.” Nanunukso ang mga ngiti nito. Hinawakan siya sa kamay at hinila papunta sa kinatatayuan ni Enrique.

Walang choice si Devon kundi ang sumunod dito. “Hindi mo ako pwedeng iwan. I’m not a people person.” Pinanlakihan niya ito ng mata. “I suck at this, hindi ako sanay sa ganito.” Pabulong na sabi niya kay Sam. Iyon ang mga lumabas sa bibig niya kahit mas gusto niyang sabihin na wag nitong puntahan ang crush nito.

“Well, at least try!” Relax na relax na sabi nito. Masyado itong masaya para mapansin ang anciety niya.

“I don’t want to try, I’m afraid to try!” Tanggi pa rin ni Devon sa kaibigan. Matigas kasi talaga ang ulo niya.

“Come on!” Sam was smilling. “Be a people person tonight. Change is good, embrace it!”

“I can try but not this time, Ok? I don’t think I can do this! I’m Devon. I am not someone else! If some people love this, I don’t!” Madiing reklamo ng dalaga. 

“Relax!” Ngumiti na naman ito.

Malapit na talaga niya itong sapakin dahil sa kakangiti nito sa kanya, mabuti sana kung hindi siya iiwan. E kaso makikipaglandian pa ang mokong na ito sa crush nito.

“I’ll make sure that if I enjoy, you too will enjoy!” Masaya ang boses nito at kinindatan pa siya.

Hindi namalayan ni Devon na nakalapit na pala sila kay Enrique dahil sa pakikipagtalo dito. “Quen, meet my best friend Devon. Remember her? We are in the same school. Ang ganda niya di ba? Please take care of her, I just need to run some errands.” Iyon ang mga  sinabi ni Sam saka ito nagmamadaling umalis.

Ni hindi na nakapagreact si Devon.

“Hi Devon! I’m Enrique!” Inilahad nito ang kamay kasabay ang napakagandang ngiti nito. 

Parang nakuryente siya sa paraan ng pagtitig nito. noong maglapat ang mga palad nila ay naging mabilis ang takbo ng pulso niya. “Hello! Nice meeting you, Enrique!” Sabi ni Devon na halos hindi mawari kung paano ngingiti.

Matapos iyon ay wala nang nagsasalita sa kanila. Nakatingin lang si Enrique sa kanya samantalang ang mga mata niya ay nakatutok lang sa mga taong dumadaan sa harap nila.  

Noong may dumaang waiter sa harapan nila at kumuha ang binata ng dalawang baso. Ladies drink ang isa doon. “Do you drink?” Tanong nito sa kanya.

Biglang naalala ni Devon noong huling uminom siya ng alak. Saglit siyang nag-isip. Saglit siyang tumingin sa gwapong mukha ni Enrique. Malabong pagtangkaan siya ng masama ng ganito kagwapong mukha. Ang lugar na kinalalagyan nila ay hindi din pipitsuging bar lang na kayang-kayang lusutan ng mga taong masasama.

Kinuha ni Devon ang isang basong hawak ni Enrique. Kailangan niya iyon para kumalma siya. “Ok lang. Konti lang naman!”

“You and Sam…are you really bestfriends?” Tanong ni Enrique maya-maya.

Tumingin siya kay Enrique. “OO! Bakit hindi ba kapani-paniwala?” She inquired in amused tone.

“Just checking…” He again gave his mesmerizing smile. “Ang ganda mo kasi talaga…”

“Ngayon lang naman! …’Cause I’m wearing this beautiful  gown.” Sagot ni Devon na ilang na ilang.

“No! Actually even with those glasses, you still look pretty and interesting. Mukha ka nga lang masungit at times, kaya nakakahiyang lapitan ka sa school. ” paglalahad pa rin ng nakangiting si Enrique. 

Pasimple siyang tumingin sa kinatatayuan ni Sam. Katawanan na nito si Janine, ang crush nito.

Itinaas niya ang isang kilay niya. Kung meron itong Janine, meron naman siyang Enrique!           

              

2 comments:

  1. ...waaaah!..pangalan ko pa ang ginawang character ng crush ni sam!..waah!..feel na feel ko naman..haha.. salamat sis!.. =)

    ReplyDelete
  2. love triangle na itey!!!!!!!!!!!!!!
    love it!!!!!!!!

    ReplyDelete