CHAPTER 2
Tumingin siyang muli sa kabilang gusali. Nakikita niyang labas masok ang mga estudyante doon. Kulay blue ang mga palda ng mga babae, katulad iyon ng palda niya dati na madalas plantsahin ng tatay niya. Napahawak siya sa paldang suot niya. Checkered na iyon ngayon. May mga namumuong luha sa mga mata niya. Huminga siya ng malalim. Dahil sa tatay niya kaya siya naroon ngayon.
Ilang buwan nang patay ang tatay niya. Mag-isa na lang siya sa buhay. Madalas sabihin dati ng tatay niya na pag-aaralin daw siya sa Saint Paul pag nagkapera na sila. Pangarap ng tatay niyang maipasok siya sa Saint Paul pero sabi niya na sa public school na lang siya para makapag-ipon sila ng pang-college niya.
Ngunit namatay ang tatay niya at naiwan siya. Isang magiting na pulis ang tatay niya. Pauwi na ito galing trabaho nang salpukin ang sinasakyan nitong motorsiklo.
Kakauwi palang nila noon ng tita Mye niya galing sa morque nang madatnan nila ang abogado ng taong nakabangga sa tatay niya sa bahay nila.
“Ipinadala ako ng kliyente ko para pag-usapan natin ang nangyari.” Pahayag nito pagkatapos nitong magpakilala.
15 years old palang si Devon pero hindi siya tanga. Alam niya ang ibig sabihin nang taong kaharap nila pero hindi siya umiimik.
Ang tita Mye niya ang nagsalita. “Binangga ng lasing at iresponsableng kliyente niyo ang kapatid ko.” Nagpipigil ng galit ang tita niya. Nalaman nilang isang lasing na mama ang nakabangga sa tatay niya at ayon sa mga pulis isa daw iyong artista. Naramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang balikat. “Isang inosenteng bata ang nawalan ng magulang nang tuluyan dahil sa kanya.” Galit ang boses ng tita niya.
“Naiintindihan ko ang galit niyo.” Sagot ng abogado habang nakatingin sa kanya. “Pero…hindi na natin maibabalik ang nangyari. Gusto naming ayusin ang lahat.”
Gusto niyang kumuha ng malaking bato upang ihampas sa ulo ng taong nasa harap nila ngayon. Kung magsalita ito ay para bang isang nasirang bagay lang ang buhay ng tatay niya. Kahit simpleng salita ng pakikiramay ay hindi niya narinig dito. Ganitong-ganito din ang naging eksena noong nakaraang buwan noong namatay ang isang kapitbahay nila, dahil din sa mga ganitong uri ng tao.Tumulo na naman ang mga luha na galing sa mugto pa ring mga mata niya. Awang-awa siya sa kalagayan nila. Madalas sabihin dati ng tatay niya na ang mga may kasalanan ay ikinukulong. Pero maliwanag na wala silang magagawa upang mapakulong ang taong nakasagasa sa tatay niya.
Hinawakan ng tita Mye niya ang kamay niya saka iyon hinaplos-haplos. Pareho na din silang umiiyak. Habang nasa daan sila pauwi kanina ay nasabi na ng tita niya na makikipag-areglo daw ang taong nakabangga sa tatay niya.
Kahit ayaw niya ay mukhang wala siyang choice. Konti lang ang naipon ng tatay niya, pangcollege niya daw iyon. Kailangan nila ng pambayad sa hospital, pampalibing at ng perang para sa kanya upang mabuhay. Hindi sila mayaman. Wala din silang mayamang kamag-anak. Ang tita Mye lang niya ang natatanging kapatid ng tatay niya, pero madami din itong anak. Ang mga kamag-anak naman niya sa ina ay nasa malayong probinsya. Kung magsasampa sila ng kaso ay siya pang pambayad sa abodago.
Isang mahabang katahimikan ang namagitani sa pagitan nila.
“Gusto kong sagutin niyo ang lahat ng gastos sa ospital, sa pagpapalibing at ang pag-aaral ng naiwang anak ng biktima. Kapag pumayag kayo ay hindi na kami magsasampa ng kaso.” Maya-maya ay pahayag ng ninang Mye niya.
“Payag jan ang kliyente ko pero dapat na hindi din ito lalabas sa TV.” Saad ng abogado.
Pumikit siya. Ganon lang iyon kabilis? Nawala ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya tapos babayaran lang sila at tapos na ang lahat? Bakit ba kasi ang unfair ng buhay?
-------
Pang-mayaman daw ang eskuelahang kinaroroonan niya ngayon. Noon pa niya madalas marinig iyon. Ngayon niya napatunayang totoo iyon. Napakalawak ng Saint Paul Q.C. Magaganda ang mga classroom, mabango din at airconditioned. Taliwas iyon sa dating school niya. Mainit doon maingay at mabaho pa. Masarap magaral dito kaso masakit din sa bulsa.
Hindi siya pumasok doon upang maranasan lang ang mga iyon. Pumasok siya dito dahil sa mas mabigat na dahilan. Gusto niyang makakuha ng scholarship. Sa dating eskulahan nila ay kayang-kaya niyang makuha ang pinakamataas na honor pero binalewala niya iyon. Hindi niya kailangan ng honor, kailangan niyang makapagtapos ng college. Sa dating eskuelahan niya ay nagbibigay din naman ng scholarship pero madalas 1 hanggang 2 taon lang iyon. Hanggang doon lang ang suportang maibibigay ng dating eskuelahan niya. Ang kukonting budget kasi nila for scholarship ay gusto nilang ipaghati sa sampu para madami din daw ang makikinabang. May konti mang naipon ang tatay niya para sa kanyang pag-aaral ngunit hindi iyon sapat. Kailangan gumawa siya ng sariling paraan. Hindi niya iyon gagalawin hanggat kaya niya.
Maganda ang sistema ng pagtuturo sa St. Paul. Madami ding matatalinong estudyante doon. Mahihirapan siya oo, pero challenging din iyon para sa kanya. Araw- gabi ay panay ang aral niya noon bakasyon upang paghandaan ang pagpasok niya sa eskuelahang ito. Nalaman niya kasi sa Admitting office na kapag transferee pala ay hindi nila priority-ing bigyan ng scholarschip. Hind siya nasiraan ng loob.
Advance din ang turo sa St. Paul hindi gaya ng sa Mapili High School . Matatalino din ang mga teachers hindi katulad sa Mapili na tamad ang mga teachers. Mapapakinabang niya ang mga grades at natutunan niya upang makapasok na scholar sa mga magagandang university.
Unti-unting gumuhit ang iritasyon sa mukha niya nang marinig niya ang mga kaklase niyang babae na ang lakas-lakas ng boses. Nasa study area siya ng student pavilion. Abala siya sa pag-aaral pero hindi na niya maintindihan ang binabasa niya. Sobrang ingay na ng paligid. Pinag-uusapan nila ang crush nilang artista. Excited ang mga ito kasi babalik daw iyon sa pag-aaral at magiging kaklase pa daw nila.
Noong nakaraang linggo pa nagsimula ang pasok nila. Kung ngayon lang ito papasok, ay napaka-suerte naman ng nilalang na iyon, reklamo ng utak niya.
Patuloy ang usapan ng mga babae. Maaarte ang mga ito at panay ang englisan. Halos lahat ng kaklase niya ay ganon kung mag-usap. Palibha mga mayayaman. Napailing siya. Matatapos ang school year na wala yata siyang kakausapin kahit isa sa kanila.
No comments:
Post a Comment