CHAPTER 6
Maaga palang ay gising na siya kanina. Birthday niya ngayon. Iyong ang unang pagkakataon na magbibirthday siya na wala ang kanyang tatay. Napapaiyak siya sa katotohanang iyon.
Nakaalis na ang tita niya papuntahang trabaho. Ang dalawang pinsan naman niya ay nakapasok na ng eskuela. Ang dalawang malilit na pinsan naman niya ay dinala ng tito niya sa lolo ng mga ito bago pumasok ang huli sa trabaho. Siya na lang ang naiwan sa bahay.
8:30 na. Late na siya sa school pero sobrang tamad na tamad pa rin siya. Suot ang kanyang uniporme at tangan ang bag ay umalis siya bago mag-alas 9:00. Wala siyang balak pumasok. Hindi niya alam kung saan pupunta pero sigurado siyang ayaw niyang pumasok.
Pinara niya ang pinakaunang jeep na nakita niya at sumakay doon. Bumababa siya nang marinig na nasa SM Manila na sila. Sarado pa ang mall pero tulad ng mga taong naroon din, matiyaga siyang nag-antay.
Inubos niya ang oras sa pag-aarcade mag-isa, panonood ng 3 movie mag-isa at pagkain mag-isa. Lahat iyon ginawa niya ng walang pagmamadali. Gusto niya kasing palipasin ang araw na iyon ng masaya. Gusto niyang maging masaya. Gusto niyang gawin ang mga dating ginagawa nila ng tatay niya.
Lumabas lang siya ng mall noong magsasara na iyon. Siya ata ang pinakahuling taong lumabas kanina sa sinehan. Ayaw pa rin niyang umuwi kaya tinext niya ang tita niya na mag-oover night siya sa bahay ng kaklase niya para sa isang project. Pagkatapos ay tuluyan na niyang pinatay ang cellphone niya.
Dinala siya ng mga paa niya sa isang bar sa Maynila. Hindi siya marunong uminom pero ang lahat naman ay natututunan. Matagal din siyang nakaupo lang doon at hindi ginagalaw ang baso ng alak sa harap niya. Paunti-unti ay nabos din niya iyon noong kalaunan.
Nakainom siya oo, pero hindi pa siya masyadong lasing. Balak pa rin naman niyang umuwi ng buhay kaya aalis na siya habang kaya pa niyang lumakad. 2 baso lang ang nainom niya. Kaya pa niya ang sarili. Akmang tatayo na siya para umalis nang biglang may nag-abot sa kanya ng baso. Tiningnan lang niya ang nag-abot noon. Wala siyang balak inumin ang inaalok nito. Panay ang tanggi niya dito pero noong sinabi nitong makikipagkilala lang siya ay pumayag naman siya. Ilang minuto din sila nag-usap at noong ialok muli nito ang inuming iyon ay hindi na siya tumanggi. Masaya din kasing kausap ang lalaki.
Wala pang isang minuto matapos niya inumin iyon ay parang bumigat ang makiramdam niya. Parang nawalan siya ng lakas at inantok talaga siya kahit anong pigil niya.
May inilagay ang lalaki sa inumin niya! Alam niyang may balak itong masama sa kanya pero masyado siyang mahina para lumaban o kahit humingi ng saklolo. Ni hindi din siya makasigaw!
“Let’s go home babe!” Nadinig niyang sabi nito saka siya inalalayang patayo. Kinilabutan si Devon . Nakakatakot ang boses nito, parang psychotic killer sa mga horror movies.
-------
Matapos matingnan ng Mama niya si Devon ay pinapasok na siya sa kwartong kinaroroonan nito. Pinunasan na din ito ng Yaya Lorna niya at pinalitan na ng damit.
“Don’t worry son. I don’t think may iba pang ginawa sa kanya bukod sa pagpapainom ng pampatulog. Kung sino may ang gumawa nun, talagang may balak na masama. You saved her.” Dr. Concepcion assured her son. “I checked her pulse rate, medyo mabilis but not alarming. She just needs rest.”
“Mabuti naman kung ganon ‘ma.” Nakahinga na ng maluwag si Sam. Akala niya kasi nahuli na siya kanina.
“Masyado kang worried.” Nakangiting pahayag ng Mama niya. “Halata ka.”
“’Ma, I told you. Siya ang best friend ko sa school.” Sagot naman ni Sam sa malisyosang pahayag ng Mama niya.
Ngiti lang ang isinagot ng mama niya saka ito lumabas ng silid. Naiwan silang dalawa ni Devon doon. Mahimbing nang natutulog si Devon . Tinitigan niya ang mukha nito, sa tingin niya ay hindi naman ito lasengga.
Tumingin siya sa kanyang relo. Siguradong bukas na magigising si Devon kaya buti pang matulog na din siya.
Nagising si Devon na masakit ang katawan. Pagbukas niya ng mata ay laking gulat niya nang marealize na wala siya sa sariling silid. Napabangon siya bigla saka sumilip sa ilalim ng comforter na nakabalot sa kanya.
Nakagat niya ang ang kanyang labi. Isang malaking t-shirt lang ang suot niya. Anong nangyari? Anong nangyari? Paulit-ulit niyang tanong sa sarili. Timingin siya sa bandang kanan niya. Nakita niya si Sam na nakahiga sa mahabang upuan. Pilit niyang inalala ang mga nangyari kahapon.
Hindi si Sam ang lalaking kausap niya sa bar! Pero paano nangyari si Sam ang nandito ngayon?
Bumalik sa kanya ang boses na nagtatanong kung may ginawa bang masama sa kanya. Si Sam ang nagligtas sa kanya kung ganon!
Unti-unting luminaw sa kanya ang mga nangyari kahapon. Ilang ulit niyang tinangkang sumigaw, magpatulong pero sa lugar ng ganon kaingay at kadaming tao, wala kahit isang nakapansin sa kanya. Sobrang takot na takot siya noon. Sising-sisi siya at galit na galit sa sarili. Paano na lang kung na gang rape siya? o kung pinatay? Napakalaking katangahan ang ginawa niya at kamuntik na siyang mapahamak. Muli siyang kinilabutan nung maalala ang mukha at boses ng lalaki, kung paano siya nito hawakan. Napaiyak siya hanggang napahagulgol siya ng tuluyan. Nagtalukbong siya ng kumot upang hindi niya magising si Sam dahil sa hindi niya makontrol na pag-iyak.
Natigilan siya sa pag-iyak nang bumaba ang kumot na nagtatago sa mukha niya. Nakaupo si Sam sa gilid ng higaan niya habang seryosong nakatingin sa kanya. “Ano bang pumasok sa utak mo at pumunta kang mag-isa sa ganong klaseng lugar? You were so close to getting rape! Tapos ngayon iiyak ka ng ganyan!” Galit ang nasa mukha nito.
Lalo siyang napaiyak. Hindi niya alam ang isasagot. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan at sunud-sunod na umiling lang.
Natigilan si Sam. “I’m sorry. I know that you are still so frightened.” Maingat siya nitong inangat mula sa pagkakahinga at niyakap. His comforting hands were stroking her back while saying sorry again and again.
Sa pagitan ng mga hikbi ay wika ni Devon .“No! don’t be. I deserve it. I’m stupid. Ang tanga ko kasi talaga.” She wasn’t aware that she’s reciprocating his tight embrance.
Ilang minuto din silang magkayap lang. Maya-maya ay si Devon ang unang kumalas. “Thank you pala!” Ngumiti siya kay Sam saka inayos ang magulong buhok.
“Wala yun! At least wala na akong utang sayo. Patas na tayo.” Sam said in amused tone.
Umayos si Devon ng pagkakaupo at saka sinumulang ikwento ang kalohohang ginawa niya kahapon. Kahit hindi kasi sabihin ni Sam ay alam niyang curious ito kung bakit siya nandoon. Kung noon ay nagbigay siya ng unsolicited advice kay Sam ngayon ito naman ang hindi mapigil na pagsabihan siya. Nalaman din nitong wala na siyang tatay. Kaya naman lalong gumaan ang loob niya dito nang sabihin nitong siya na lang daw ang gawin niyang guardian.
Wag na wag na daw niyang uulitin ang ginawa niya. Kung gusto daw niyang uminom, madami daw silang alak sa bahay. Masarap kausap si Sam. Ngayon lang ulit siya nag-open up ng ganun, and it felt good. It felt really good.
------
“Iha, kain lang ng kain ha. Wag kang mahihiya” Nakangiti sa kanya ang mama ni Sam.
Ngumiti lang din siya. Napakabait ng mama ni Sam. Oo ngat hindi din ito napigilang pagsabihan siya tungkol sa nangyari kahapon, pero lahat ng iyon ay katanggap-tanggap. Kaninang nag-uusap sila ni Sam ay hindi nila namalayang nakikinig pala ito. At nung kalaunan ay sumali na din sa usapan nila.
“Devon , ikaw pala yung sinasabi ng anak ko na bestfriend niya sa school.” Napatingin muli si Devon sa mama ni Sam dahil sa tinuran nito. Hindi siya nakasagot.
“Nagulat kasi ako noong biglang sumipag yang si Samuel sa pag-aaral. Tanong ako ng tanong kung anong nangyari. Baka kasi may girlfriend na. Eventually napaamin ko. Sinabihan daw siya ng bestfriend niyang wala siyang mapapala sa pag-aartista, na dapat iprioritize niya ang pag-aaral niya. Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang bestfriend niya. Tuluy-tuloy at excited na kwento ng mama ni Sam. “Iha, bestfriend lang ba talaga?”
“Ano ba ‘ma?!” Saway ni Sam sa ina.
Bestfriend daw. Ni hindi nga niya iniintindi ni Sam at lagi siyang napipilitang makipag-usap dito pero bestfriend pa ang pakilala nito sa kanya. Nakakatuwa naman. “Opo bestfriend lang po talaga!” Nakangiting sagot niya saka tumingin kay Sam. Wala talaga siyang dahilan para ayawan ang ganito kabait na bestfriend!
“Okay! Sabi niyo eh.” Hindi naniniwala ang ginang pero pinagpatuloy na din ang pagkain.
No comments:
Post a Comment