CHAPTER 1
Ang bilis ng tibok ng puso niya at hingal na hingal din siya. Kakatapos pa lang niya magsayaw. Nasa isang mall siya ngayon bilang back-up dancer ng isang artista sa mall tour nito. Magaling siyang magsayaw pero nagsasayaw lang siya kapag kailangan, kagaya ngayon.
Ang hirap kumita ng pera, bulong niya sa sarili. Kinuha siya ng kapitbahay nilang si Ryan bilang kapalit ng nainjuried na kagrupo nito. Noong nakaraaang mga araw ay panay ang practice nito at ng mga karupo nito sa katabing bakuran nila. Medyo kabisado na niya ang steps nila, kaya naman hindi na nag-alangan ito na kuhanin siya.
Birthday ngayon ng tatay niya at kailangan niyang mabili ang iyong polo shirt sa department store na dapat bibilin nito noong nagmall sila. Kinulang lang kasi ng pera ang tatay niya noon kaya hindi nito nabili iyon.Sigurado siyang matutuwa ito kapag nabigay niya iyon lalo pa pag nalaman nitong pinaghirapan niya ang pinambili doon.
“Ang galing ng moves niyo guys!” Narinig niyang sabi ng artistang kasama nilang nagsayaw kanina. Kitang-kita niya din ang malaking ngiti nito.
Tiningnan niya ito. Inaantay lang niya si Ryan. Inaantay niya ang parte niya at nang maibili na niya ng regalo ang tatay niya. Hindi niya ito sinagot o nginitian wala siyang panahon sa mga ganitong tao. Ang plastic! Hindi mo na kami kailangang bolahin! Naiiritang sigaw ng utak niya.
Kanina lang kasi ay narinig niyang may kausap ito sa telepono at inirereklamo nito na pangit daw ang sayaw ng mga back-up dancers niya. Nagrehearse kasi muna sila kanina kasama ito bago sila magperform. Masyado daw simple ang choreography at hindi daw bagay sa album nito.
---------
Nabitiwan niya ang regalong hawak niya. Nadatngan niyang umiiyak ang tita niya na kapitbahay lang din nila. Kinabahan siya.
Pagkakita nito sa kanya ay mas lalong lumakas ang iyak nito. Napalunok siya. “Bakit po?” Garalgal na ang boses niya. Sa ayos kasi nito ay mukhang hindi magandang balita ang dapat asahan niya.
“Ang tatay mo! Naaksidente siya!” Umiiyak na sabi nito saka siya niyakap ng buong higpit.
Napakurap siya. Hindi siya agad nakapagsalita. Ayaw niyang magtanong. Natatakot siya sa pwedeng isagot ng tita niya. Pinipilit niyang wag umiyak. Walang masamang nangyari. Siguro OA lang talaga ang tita niya. Siguradong pagdating niya sa ospital ay makikita niyang nakangti ang tatay niya habang sinasabing “Anak, malayo ito sa bituka.” Katulad ng araw na nadaplisan ito sa pakikipagbarilan nito sa mga holdaper.
Pinunasan niya ang mga luha niya at huminga ng malalim. Kumalas siya sa pagkakayakap ng tita niya. “Nasang ospital po siya? Tara na po puntahan natin!” Malumanay na sabi niya pero ang bilis ng takbo ng pulso niya. Pakiramdam din niya ay may kung anong nakadagan sa dibdib niya at hindi siya makahinga ng maayos.
“Tita, tulungan mo akong mag-empake. Hindi ko kasi alam kung anong mga kailangan ni tatay.” Mabilis na pumasok si Devon sa kwarto ng tatay niya. “Sa tingin niyo ilang araw kaya siya macoconfine?”
Tahimik lang na nakasunod sa kanya ang tita niya. Umupo ito sa kama at pinigilan ang mga abalang kamay ni Devon sa pagpasok ng damit sa isang bag na nasa harapan nila.
Tumayo ang tita Mye niya. “Anak…! Wala na siyang pulso” Hinaplos-haplos nito ang kanyang ulo. “Nasa… morgue na daw siya“ Mahinang pahayag nito.
“Tita…” Tumitig siya sa mga mata ng tiyahin niya. Gusto niyang sabihin dito na bawiin nito ang sinabi.
“Sorry Devon ” Humagulgol na naman ito. “Wala na ang tatay mo!”
“Tita… hin…di yan pwede! Sunud-sunod ang ginawa niyang pag-iling. “Hindi yan pwede!” Gusto niyang sumigaw pero nanghihina na siya. “Binili ko na yung gusto niyang polo.” Wala sa sariling sambit niya.
Hindi. Hindi ito pwedeng mangyari, tanggi ng utak niya. Pananginip lang dapat ito. Dapat gumising na siya.
Sa pagkakataong iyon ay wala nang ginawa ang tita niya kundi yakapin siya habang hinahagod ang likod niya. Paano siya mabubuhay kung wala na ang tatay niya? Paano na siya? Masyado pa siyang bata. Wala pa siyang alam sa buhay. Ni pagluluto nga ay hindi siya marunong. Ang tatay niya kasi lahat ang gumagawa sa bahay.
Gusto niyang tumawa ng malakas, ng sobrang lakas. Niloloko ba siya ng tadhana? Ang tatay na lang niya ang kasama niya sa buhay. Maaga na nga siyang nawalan ng ina dahil sa aksidente, kinuha pa ang tatay niya. Ano bang balak sa kanya ng langit?
Birthday ng tatay niya ngayon. Magcecelebrate pa sila at ibibigay niya ang regalo niya, ipagmamalaki pa niyang galing iyon sa pagsisikap niya.
Kahit anong pigil at pagpapakatatag niya ay bumuhos ang masaganang luha na puno ng pighati. Humagulgol siya habang yakap ng tita niya. Sumasakit ang dibdib niya at para bang tumigil ng tumibok ang puso niya. Hindi siya makahinga sa sobrang emosyong bumabalot sa kanyang pagkatao. Kausap lang niya ang tatay niya nitong hapon pero ngayon…
Wala na si tatay, wala na si tatay!
ganda po :) hehehe can you also follow me back thanks aLOT :) chikamoso-kangrae.blogspot.com <-- here's the link po :) ingat good luck
ReplyDeleteang ganda!!!!! :) napaiyak mo ko sa 1st chapter palang!!!! hehehe
ReplyDelete@chikarae, thanks a lot! ok i'll follow you:) :)
ReplyDelete@veebello, naka naman! he,he! thanks for appreciating :) :)