CHAPTER 9
“Don’t die. Please, breath…live for me.” Devon whispered while looking at the man lying infront of her. She was looking so calm yet her heart rate was uncontrolled.
“Charge to 250!” The doctor yelled. “Clear!...Anything?”
“No pulse Doc.”
“Charge to 300!” The doctor shouted again. “Clear!...What?”
“Nothing happened!”
“Come on! You can’t die!” The doctor told his patient. “Charged to 350.” Again, he tried to bring the patient back to life.
Wala pa ring nagbago ayon sa monitor nito. Maya-maya pa ay binitiwan na ng doctor ang hawak nitong paddles ng defibrillator. “ He’s gone!”
Napuno ng katahimikan ang kwartong iyon. Lumambot ang mga tuhod ni Devon sa narinig. Tulala lang siyang nakatitig sa katawan ng lalaki.
“Dr. Seron, call it.” Dr. Clemente told her and then he went out of the door.
Matagal bago siya nakapagsalita. She gave a long sigh and then looked at her wristwatch. “Time of death 12:15.”
Ito na ang pangatlong pasyente niyang namatay simula magduty siya kahapon. Nasa loob na sila ng operating room. Ooperahan na dapat ang ulo nitong napuruhan sa aksidente. She managed to make him alive hanggang makarating ito sa OR, at doon nagtake-over si Dr. Clemente. Pero sa huli ay namatay pa rin ang pasyente niya.
Humabol pa talaga ito sa break time nila. Wala sa sariling umalis siya ng OR. Hinubad niya ang mga kasuotang pang OR lang. Hindi siya nagugutom pero dinala siya ng kanyang mga paa sa canteen. Pasalampak na naupo siya sa isang upuan doon. Pagod na pagod na siya, hindi lang ang buong katawan niya kundi pati ang utak niya.
“Dr. Seron, mukhang may jinx ka yata. Ikaw pa lang ang namamatayan simula kahapon.” Sabi ni Dr. Santos sa kanya kasabay ng pag-upo nito sa harapan niya.
Ikinataas iyon ng kilay niya. “My two patients were badly crushed by a car. Nagkataon lang yun.” Sagot niya sa intern din na kaharap. Pareho sila ng resident o yung doctor na nagbibigay sa kanila ng case at nagsusupervise sa bawat ginawa nila.
Wala siyang balak ipakita ditong pinanghihinaan na siya ng loob. Masyadong mataas ang kompetisyon sa pagitan ng mga intern. Katulad silang ng mga estudyanteng uhaw sa tiwala ng mga teachers. Pakitaan ng gilas. Pagalingan. Kung mahina-hina ka, hindi ka pagkakatiwalaan. Maiiwan sayo ang latak na case, hindi ka matuto.
“How about the dehydrated patient na hindi mo maturuk-turokan ng IV?” Nakangising tanong nito. “Baka nag-iba ang kapalaran nun kung naturukan mo agad.”
Naalala ni Devon ang nangyari. Masyadong matanda ang pasyente niya na iyon. Ang mga ugat nito ay nagpuputukan. Kaya ang isang matandang nurse na lang ang nagkabit ng IV nito. Pero hindi pa rin ito naligtas. May iba pang sakit ang matanda pero sa loob-loob ni Devon ay iniisip niya pa rin na baka nakaligtas nga ang matanda kung nabigyan agad ito ng gamot.
Tumayo na siya para makabili na ng pagkain. Hindi niya ito papatulan. Huminga na lang siya ng malalim. Alam niyang napag-uusapan siya ng mga kasamahan niyang intern. Ang akala ng mga ito ay paborito siya ng resident nila. Sa kanya kasi napupunta ang mga mahihirap at challenging na case. Batid ni Dr. Clemente ang credentials niya, siguro iyon ang dahilan. Ngunit pagkatapos mamatay ang pasyente niyang matanda ay puro rectal exams ang mga na-assigned sa kanya. Nagkataon lang na napunta sa kanya ang lalaking naaksidente kanina at namatay na naman.
Kasalukuyang nasa labas na siya ng ospital. Tapos na rin sa wakas ang pinakamahabang 2 araw ng buhay niya. Nagmamadali siyang sumakay sa taxi para makauwi. Masyadong competitive ang mundo niya. Depressing ang unang shift niya pero wala siyang kaibigang intern. Wala siyang pwedeng makausap sa mga ito.
Pagdating niya sa kanyang condo ay dumiretso siya sa kanyang kama . Noong nagkaroon ng demolition sa dating tinitirhan nila ay napauwi ang tita Mye niya kasama ang buong pamilya nito sa probinsya. Wala kasi silang choice. Siya naman ay naiwan dahil nasa college na siya noon. Binigay niya ang perang nakatabi para sa pag-aaral niya at nag-iwan lang ng kaunti. Naging working student siya at simula noon ay nabuhay na siyang mag-isa.
Tinanggal lang niya ang kanyang sapatos saka nahinga. Matagal na sandali din siyang nakapikit ngunit patuloy na naglalakbay ang kanyang diwa. Patuloy na bumabalik-balik sa kanya ang mga nangyari sa 48 na oras niya sa ospital. Nakakahiya. Nakakahiya talaga na isang nurse ang gumawa sa hindi niya magawa-gawa noon. Nakatingin din sa kanya lahat ng kasama niya sa kwartong iyon na para bang sinisisi siya pagkatapos.
Paglabas niya para sabihin sa mga pamilya ng pasyente ang nagyari ay lalo siyang nalugmok. Nag-iiyakan ang mga ito at hindi niya alam ang sasabihin. She felt so inadequate standing infront of her patient’s family. Parang hindi niya nagawa ang lahat para sa pasyente. Bukod sa dehydration pala ng matanda ay mayroon itong bato sa apdo at pumutok iyon, hindi niya iyon napagtuunan ng pansin dahil masyado siyang nagfocus sa dehydration nito. Wrong assessment ,wrong prioritation. Nakakahiya. Top student pa naman siya dati.
Tumayo siya mula sa pagkakahiga. Kahihiyan. Kahit gaano pa kababaw ang dahilan ng kahihiyan ng bawat isang tao, iyon pa rin ang madalas na rason ng pagsu-suiside ng mga ito. Pumunta siya may bintana. Kung may balak siyang tumalon doon ay sususian lang niya ang bakal na humaharang sa bintana. Mula sa 21st floor ay yumuko siya sa baba. Kung tatalon siya doon ngayon, siguradong patay siya!
No comments:
Post a Comment