CHAPTER 19
Niyakap siya ni Tito Boy, ang manager ni Sam noong makita siya. Nakatayo ito sa labas ng silid ni Sam. Umiiyak, walang anumang masabi. Maya-maya pa ay lumabas mula sa silid na iyon si ‘Nay Ernie. Mas kalmado ito pero mugto ang mga mata.
“Devon , we need you to be here. I can’t stand to be here.” Sabi ni Tito Boy habang nakatungo at umiiling. Ang pag-iyak nito ay tuloy pa rin.
“Nakatawag na ako sa parents niya, inaayos na nila ang kanilang pagbalik.” Pagbibigay impormasyon din ni ‘nay Ernie. Nasa abroad kasi ang mga magulang ni Sam.
“Anong nangyari? Kumusta siya?” Tanong ni Devon matapos kumawala sa mahigpit na yakap ni Tito Boy. Panay na din ang tulo ng luha niya.
“Galing siyang Batangas. Bumangga siya sa isang malaking puno.” Ipinakita din nito ang litratong galing sa cellphone nito.
Natutop ni Devon ang kanyang bibig. Sirang-sira ang kotse nito. Hind aakalain ng sino man na mabubuhay pa ang nakasakay doon.
“He’s alive! Gumana ang air bag ng sasakyan at buti na lang nakaseat belt din siya. May mga sugat siya sa mukha at ulo pero buhay siya! Unconscious pa siya, Devon . Sabi ng doctor niya kung mananatiling siyang ganong…” Napaiyak si ‘nay Ernie.
Niyakap niya ito at pilit na pinigilan ang pag-iyak. “Hindi! ‘Nay gigising siya! Gigising yun!” Pahayag niya kahit siya mismo ay hindi kombinsido sa sinabi. Tinapik-tapik niya ang balikat nito matapos nila magyakap.
“Aalis muna kami Devon . Ikaw muna ang bahala sa kanya. Aasikasuhin pa namin kung paano ito sasabihin sa publiko. Babalik kami. Tumawag ka kung may kailangan ka.” Pagbibilin ni Tito Boy sa kanya bago ito umalis kasama si ‘nay Ernie.
Tumango lang siya pero noong nawala ang mga ito ay umiyak na naman siya. Niyakap lang siya ni Quen habang hinahaplos ang kanyang buhok.
Sinamahan siya nitong pumasok sa silid ni Sam. Nakita nilang nakabenda ang ulo nito. Madami ding sugat sa mukha ang binata.
Lumipas na ang 4 na oras pero hindi pa rin nagigising si Sam. Alas dos na ng madaling araw, nakaalis na din si Quen dahil may napakahalagang commitment pa ito.
Kahit na inaantok siya ay pinilit niya linabanan iyon. Ayaw niyang matulog dahil anumang oras ay baka magising si Sam. Gumising ka na. Madami akong sasabihin sayo, bulong niya habang nakatunghay sa binata at nag-uunahang pumatak ang kanyang mga luha.
“Siguro, ang mahal ko lang ay ang alalala natin, yung dating tayo. Kung paano tayo dati.” Pahayag niya kay Quen na ikinagulat nito. Kasalukuyan silang katayo sa may swimming pool ng bahay nito. Pinuntahan niya ito makalipas ng mahabang pag-iisip dahil sa mga sinabi ni Sam.
Kitang-kita sa mukha nito ang matingding kalungkutan dahi sa kanyang mga sinabi pero nagpatuloy siya. Mabuti na kasi ang ganon kesa patagalin pa niya.
“Hindi ko kasi maipaliwanag yung pakiramdam pagkagising ko kanina, parang walang nagbago, parang may kulang pa rin. Hindi ako masaya. Pero noong sinabi sa akin ni Sam na mahal niya ako, doon ko nalaman ang sagot, na kaya pala hindi ako masaya kasi mali yung taong pinili ko. Hindi pala yun yung totoong mahal ko. I’m sorry Quen, sorry!” Mapusong paghingi niya ng tawad dito.
Napaiyak si Quen, nasaktan pero nanatiling walang imik. Sandaling nagyuko ito ng ulo saka muling tumingin sa kanya. “Okay lang yan! Si Sam naman eh, mahal ka nun! Dati ko pang alam yun, naramdaman ko kasing uminit ang dugo nun sa akin simula nung pormahan kita eh…” Pilit na nilangkapan nito ng masayang tono ang sinabi.
Umiiling na hinatak niya ito para yakapin.
Niyakap din siya ni Enrique. Mahigit iyon. Parang ayaw siyang pakawalan habang nakasubsob ito sa likod niya nang umiiyak. Hinayaan lang niya ito. Matagal silang nasa ganong posisyon hanggang mamaya ay si Quen na ang bumitaw.
Pinunasan nito ang mga luha. “Pwedeng isa pa? Hindi na kasi kita mayayakap pa ulit ng ganito eh.” Natatawang hirit ni Quen.
Tumawa din siya at niyakap itong muli.
--------
Nagmulat ng mata si Sam. Nakahiga siya sa isang kama at nakasuot ng hospital gown. Ang huling naaalala niya ay nabangga niya ang isang malaking puno. Apat na beses na bumaliktad ang kanyang sasakyan saka siya nawalan ng malay.
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Malakas ang tibok ng puso niya. Buhay pa siya, buhay na buhay!
“I’m alive my God I’m alive!” Masayang sabi niya kahit nagsimulang maramdaman niya ang matinding sakit sa ulo.
“Yes. You are! Thank God!” Naluluhang sabi ni Devon , nakangiti ito sa kanya. Tumayo ito mula sa isang upuan doon. Matagal na siguro doon ang dalaga, hindi niya lang napansin agad.
“You’re here!” Sabi niya kay Devon .
Ngumiti si Devon at tumangu-tango. “I want to see you!”
Iniiwas niya ang tingin. Naalaala niya kasi ang nangyari bago siya umalis. “How’s my car? I remember I flipped 4 times.” Kwento niya na itinaas ang kanang kamay para ipakita ang 4 na daliri.
Ngumiti si Devon at patuloy lang na nakatingin sa mukha ni Sam. Akala niya ay hindi na ito magigising kanina. Inakala niya ring baka magka-ammesia ito. Pero base sa reaksiyon nito ay normal ito. Naalala kasi siya.
Biglang natigilan si Sam, ibinababa nito ang kamay. Muli niyang tiningan ang paligid at ang katawan. Nakakunot noo ito. “I’m in a hospital, I think! …And I’m alive!” Masayang sabi nito. “Thank God!”
Pakiramdam ni Devon ay tumaas lahat ng buhok niya sa ulo. “Yeah! Thank God!” Kinakabahang sagot niya. Sadyang iniiwas niya ang tingin kay Sam pero ramdam niyang tinitingnan siya nito. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Nakatingin lang si Devon sa kanyang relo.
Makalipas ang ilang sandali ay muling nagsalita si Sam.“I thought I was going to die. It’s amazing I’m alive. My car flipped 4 times.” Kwento nitong muli.
Nagyuko ng ulo si Devon . Naramdaman niya kasi ang pag-iinit ang kanyang mga mata. Tumalikod siya kay Sam at pinahiran ang mga namumuong luha.
Kagat ni Devon ang kanyang labi habang nakatunghay sa wall clock ng ospital.
“I’m alive!” Masayang sabi ni Sam sa pang-apat na pagkakataon. “Sirang-sira malamang yung kotse ko. Apat na beses iyong bumaliktad.”
Napapikit si Devon noong muling marinig niya si Sam na nagsalita. Napaiyak na siya ng tuluyan. Something is wrong with his brain!
------
“What? His brain restarts every 30 seconds?” Muling tanong ni Devon sa doctor na kaharap. “He’s an actor, he memorizes lines. He can’t just have a 30-second memory!” Naghi-hysterical na sabi ni Devon .
“Maybe his brain was badly shake.” Sagot naman ng doctor.
Tumawa siya ng pagak. “I thought his scans are clean?!”
Tinitigan siya nito. “Doktor ka, Alam mo kung gaano kamisteryoso ang utak ng isang tao.” Nagpakilala na kasi si Devon kanina. “I saw the picture of his wrecked car. Nakita mo ba kung anong nangyari sa sasakyan niya? It’s a miracle that he’s still breathing! I understand your concern, Dr. Seron. But he’s under observation. Let’s just hope it’s temporary.” Bahagyang tinapik nito ang kanyang balikat at mabilis ng umalis.
Napahawak siya sa kanyang noo. Ilang beses siyang huminga ng malalim. Hindi makakatulong kung maninigaw siya ng mga tao. She is a doctor! She needs to think like a doctor!
Naaksidente si Sam mga bandang 7:OOpm. Nadala sa pinakamalapit na ospital, nalipat ng Makati Med. ng 10:30pm. Nagkamalay ito ng 5:40am, now it’s 6:00am. Anumang nangyari sa utak ni Sam ay dapat temporary lang!
Tinawagan niya si’nay Ernie at mabilisan ikwenento ang nangyari. Nakiusap siyang gumawa ito ng paraan para wala munang maging bisita si Sam. Mabilis din niya tinapos ang tawag na iyon.
Tumingin siya sa nakapinid na pinto ng kwarto ni Sam. Pinihit niya ang doorknob at pumasok doon. Nagulat si Sam sa pagpasok niya pero hindi niya iyon alintana. “Naaksidente ka and your brain restarts every 30 seconds.”
Lalong nagulat si Sam sa narinig pero nagpatuloy magsalita si Devon .
“Hindi pwede yun, kaya kailangan nating i-exercise yang utak mo.” Kalmadong kumuha ng papel at ballpen si Devon sa kanyang bag. Mabilis na isinulat niya in bullets and in sequence ang mga nangyari matapos nitong umalis ng condo.
=Noong umalis ka saka ko na-realized na mahal kita!
=I broke up with Quen
=You had a car accident on your way back to Manila
=Now, your mind restarts every 30 seconds.
Yun lang ang isunulat niya. Tumayo siya sa harap nito at ipinakita yun.
“Mahal mo ako? … And you broke up with Quen?”
“Oo! Kaya lang mabilis ka ng umalis…” Madami pa siyang sinabi at nakwento pero maya-maya lang ay…
“What? You…love…me?” Turo nito sa sarili.
Another 30 seconds! Pinilit ngumiti ni Devon at muling sumagot, nagpaliwanag, nagkwento.
Paulit-ulit lang silang ganon. Noong oras na ng pagkain saka lang sila tumigil. Hindi gutom si Devon pero lumabas siya Hinayaan niyang kumain si Sam kasama ang isang nurse.
Hinanap ni Devon ang chapel ng ospital, nagdasal siya doon habang iyak ng iyak. Mahal ko po siya. Paano po kami makakagawa ng mga magagandang alaala kung ganon kaiksi ang memorya niya? Please Lord tulungan niyo siya. Nagsusumamo po akong pagalingin niyo po siya.
Noong kalmado na uli siya ay binalikan niya si Sam. Sasabihin niya kay Sam ang kailangan nitong marinig kahit pa kada 30 segundo niya yun uulitin. Hindi siya mapapagod, pipilitin niyang wag mapagod. Tutal naman ay siya ang dahilan kung bakit ito naaksidente. Yun lang ang pwede niyang gawin, to make him feel good every 30 seconds. Tatlumpung segundo lang kasi ang kaya ng utak nito.
Tumingin siya kanyang relo, alas dos na ng hapon. Wala pa ring magandang nangyayari. May pagkakataon na umabot ng 1 minuto ang memory span nito pero mas madalas na kalahating minuto lang iyon.
Frustrated na siya kaya nilapitan niya si Sam at hinalikan sa labi. Saglit itong tumugon pero itinulak din siya palayo. “Why are we…?” Naguguluhang tanong nito.
“Wag ka ng mag-isip. Wag mo ng gamitin yang utak mo, please!” Pahayag ni Devon saka muling hinalikan si Sam.
“Devon , stop! It’s you and Quen!” Naiinis na itinulak siya nito.
Umiyak na siya. “Oo naging kami pero hiwalay na kami… mahal kasi kita, mahal pala kita.” Sabi ni Devon habang panay ang buhos ng luha.
Seryoso lang na nakatingin si Sam.
“I love you, I really do! But I guess it’s too late… You can’t even remember that I told you that hundred times today.” Nagpahid siya ng luha. “…That I have been telling you that since you wake up… Sam, 8 oras ka nang gising. Pero dahil kada 30 segundo ay nag-rerestart yang utak mo, hindi mo matandaan na sinabi ko na mahal kita… na mahal kita… na mahal kita Sam!” Inulit-ulit niya ang katagang iyon. “Please tandaan mo namang mahal kita, kahit yun lang!” Itinakip niya ang kanang kamay sa kanyang bibig upang pigilan ang kanyang pag-iyak pero hindi niya mapigil ang kanyang paghagulgol. Lumabas na lang siya ng kwarto ni Sam at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.
Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay pumasok siya sa public CR. Aayusin muna niya ang sarili bago muling humarap kay Sam.
Napatakbo si Devon noong makitang madaming nurses ang ang lumalabas mula sa kwarto ni Sam. Kinabahan siya. “Excuse me, anong nangyari sa pasyente?” Pasigaw na tanong niya dahil medyo malayo pa siya.
Sinagot siya ng isang nurse. “We thought he coded. May pumindot kasi sa code button niya eh.” Ngumiti ito. “He’s fine. He just wants to see you!” At bumalik na ang mga ito sa nurse’s station.
Nakahinga siya ng maluwag. Mabilis siyang pumasok sa kwarto ni Sam. Nabungaran niya agad ang magandang ngiti nito.
“Ang tagal mo ah! Susundan na sana kita kaso hindi ko pa kayang tumayo mag-isa. Wala tuloy akong choice kundi pindutin yun.” Nakangiting sabi ni Sam sa kanya.
Halos hindi makapaniwala si Devon sa mga narinig.
“Sabi ng wall clock na yan…” Turo nito sa orasan. “…more than 20 minutes kang nasa labas…” Tumatawa at puno ng pagmamalaking sabi ni Sam kay Devon na hindi pa rin makakilos sa labis na pagkabigla. “…And that means my mind is back!”
Muli na namang umiyak si Devon pero sa ngayon kasabay ng pag-iyak nito ang kanyang pagtawa. “You’re really back!” Kagat niya ang kanyang labi habang sinasabi iyon. Punung-puno ng kaligayahan ang puso niya. Lumapit siya kay Sam at niyakap ito. Mahigpit silang nagyakap na dalawa habang umiiyak at tumatawa.
aaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh hindi ko toh ma take!!!! grabeh sobrang ganda!!!!
ReplyDelete..OMG!..sa totoo lang, napaiyak talaga aq nung na-realize ni devon na there's something wrong with his brain..waah!
ReplyDeletewahh I was crying while reading this:((
ReplyDelete