CHAPTER 4
“Shit!” Napamura si Sam noong inanounce ng Physics teacher nila ang top 5. Pang-apat siya sa pinakamataas and Devon got the highest score. Talo siya sa usapan nila, dapat niyang bigyan si Enrique ng bouquet of flowers sa harap ng madaming tao and give him a kiss. Nakakasuka yun.
Binati siya ng teacher nila. Ngayon lang daw siya napasali sa top 5. Matalino din daw pala siya kung gugustuhin niya. Ipapamalita daw nito sa mga co-teachers nito ang improvement niya. Madami pa itong sinabi pero kahit isa doon ay hindi nakapagpagaan ng loob niya. Napatingin siya kay Devon , nakangiti ito ng nakakaasar. Huminga siya ng malalim at pag-alis ng teacher nila ay nakipag-unahan siyang lumabas ng room nila. Dire-deretso lang siyang lumakad ng mabilis hanggang sa kokonti na lang ang mga estudyante ang nakikita niya. Napatingin siya sa “school library” na nakapaskil sa itaas ng pintuang kaharap niya. Naupo siya sa may hagdan sa kaliwang bahagi nito.
“Tinataguan mo ba ako kasi natalo ka?” Tanong ng pamilyar na boses.
Iniangat niya ang mukha niya. “Alam ko na kailangan nating mag-usap. I just lead you to a convenient place.” Hindi tumitingin wika ni Sam.
“Do it on Monday!” Simpleng pahayag nito. Nakatayo ito sa harap niya, hawak ang mga libro nito.
“Hindi ko yun gagawin!” Mahina pero mariin na sabi ni Sam.
Napaangat ang isang kilay niya. “Natatakot ka ba na kagatin ng mga fans mo ang loveteam niyo ni Enrique? Napangiti si Devon nang todo. “Come on! For fun lang naman to eh.”
Salubong na ang mga kilay ni Sam. Naisahan siya ng babaeng ito at asar na asar talaga siya. “Bingi ka? Hindi ko nga gagawin eh!” Napahiya na siya at kahit ano pa man ang sabihin nito hinding-hindi niya iyon gagawin. Kahit sabihan pa siya nito na wala siyang kwentang kausap. Hindi siya susuong sa isang pang mas malaking kahihiyan.
“Baka kasi mabisto ang tunay na feelings niyo sa isa’t isa? Nakangising tanong nito. “Okay lang.” Nagkibitbalikad ito. “May napatunayan lang ako. Imagine, ikaw pa nga ang naghamon, tapos…” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “…Ngayong talo ko aayaw ka bigla? Lalaki ka ba talaga? Kawawa naman ang mga fans mong babae. Pareho pa ata kayo ng gusto.” At tumatawang tumalikod ito.
Napasugod siya dito at walang kaabug-abog na hinalikan si Devon sa labi. That was a short kiss! Hindi niya kasi ito maaring suntukin dahil babae ito, iyon ang naisip niyang paraan upang kahit paano ay matakot ito. At tama siya. Hindi nakapagsalita si Devon hindi din ito makagalaw. Nakatingin lang ito sa mukha niya na sobrang lapit sa mukha nito. Akmang hahalikan ulit niya nito ng…
“That’s a major offense! Kissing inside the school premises is prohibited.” Malakas na sabi ni isang malakas na boses.
Gulat na gulat na lumayo sila sa isat’-isa. Si sir Theodore pala iyon, ang Physics teacher nila. Nakita sila nito.
“Follow me, you two!” Nakasimangot ito. Halatang nagtitimpi. ”Naku! Mga bata talaga!” Naglakad na ito palayo.
Binigyan ni Devon nang nanlilisik na tingin si Sam. “Expulsion!” Iyon lang ang sinabi nito saka sumunod kay sir Theodore.
Alam niya ang ibig sabihin nun. Nasa Catholic school sila at major offense ang maghalikan lalo pa sa loob ng campus. Malala pa kasi hindi niya girlfriend ang hinalikan niya. At dahil galit sa kanya si Devon , mas mapasama pa siya. Idagdag pang si Mr. Theodore Flores ang nakakakita sa kanya na hindi na yata maubos-ubos ang pagkainis sa kanya. Nasa kalagitnaan na sila ng school year at kung mapapatalsik siya ay sayang naman ang mga paghihirap niya. Mahirap na din lumipat sa ibang eskuelahan.
“Sandali!” Mabilis na sumunod si Sam kay Devon . “I promised my dad that I’ll graduate this time.” Pakiusap niya sa nakataas ng kilay na si Devon .
“Wala akong pakialam!” Sagot ni Devon , pabulong lang iyon. Hindi siya pwedeng sumigaw dahil baka marinig ng teacher nilang hindi pa gaanong nakakalayo.
“Alam ko mali ako pero pwedeng ibalato mo na lang sa akin to?” Hinawakan ni Sam si Devon sa braso saka iniharap sa kanya. “I’ll do everything, everything for you. Basta tulungan mo ako dito, please!”
Tumingin si Devon sa mga mata nito. Mukhang nagsasabi ito ng totoo. Baka one of this days bigla niyang kailanganin ang tulong galing dito. Hindi din naman siguro masamang palampasin ang ginawa nito. Biglang bumalik sa utak niya niya ang ginawa nito. Sinampal niya ito ng ubod ng lakas.
“Aray!” Daing ni Sam habang hinihimas ang pisngi nito. Hindi nga siguro nadadala sa pakiusap ang babaeng ito. Nanlulumong sumunod na lang siya sa mabilis na paglakad nito.
--------
Magsyota ba kayo? Pinilit ka niya? You tell me Ms.Seron, para maexpel na tong gagong to. This is not the usual Mr. Flores na kilala nila. Kahit kailan ay hindi ito nagtagalog, ngayon lang. Hindi din sila nito dinala sa principal’s office. Halatang gusto munang marinig nito ang mga nangyari. Kasalukuyang nasa isang bakanteng classroom sila ni Sam at nakaupong magkatabi sa harapan nito.
“Hindi po…” Sagot ni Devon .
Napapikit ng mariin si Sam. Patay! Dati pang mainit ang dugo ni Mr. ¼ sheet sa kanya. Iyon ang tawag nito dito dahil madalas itong magpaseat work. At dahil sa sagot ni Devon ay patay na talaga.
Narinig niyang huminga ng malalim si Mr. Flores pero nanatiling lang na nakatungo si Sam.
“Ang ibig ko pong sabihin…Hindi niya po ako pinilit. Ang totoo po kasi matagal-tagal ko na po siyang hindi kinakausap kasi hindi siya nagseseryoso sa pag-aaral niya. Sabi ko wag niya akong lalapitan kung hindi tataas ang mga exams niya. Kanina po binigay niyo yung result ng exam namin, natuwa lang po siya”
Napaangat ng mukha si Sam. Hindi niya halos mapaniwalaan ang mga salitang binitiwan ni Devon . Pinagtakpan siya nito.
“Are you sure?” Parang hindi naniniwalang tanong ni Mr. Flores.
“Opo” Sagot ni Devon . Seryoso ito.
Bumaling ang teacher nila sa kanya. “Ang sama mo naman matuwa Mr. Concepcion.” Saka ito tuminging muli kay Devon . “But well, good to know that you were able to encourage your boyfriend to study harder Ms. Seron. ‘Cause he needs it”
“Bata pa kayo. Dapat pag-aaral lang ang inaatupag niyo.” Parang amang pagpapangaral nito. ”I do not want this to happen again.”
---------
“Road manager ko.” He voluntarily explained after he answered his phone. “Parang nakita daw kasi niya ako. He wanted to make sure, kaya tumawag siya. He’ll be here in a minute. He just wanted to say something.”
Natapos ang usapan nila kanina nila Mr. Flores na halos si Devon lang ang nagsasalita. Ang tanging nasabi lang niya ay: “I’m sorry Sir. It will never happen again.” Pinagkakatiwalaan masyado ni Mr. Flores si Devon kaya hindi sila nahirapan. Kung ibang teacher lang siguro iyon ay baka ipinatawag pa ang mga magulang nila. Kaya naman pagkatapos ay ninaya niyang kumain si Devon bilang pasasalamat. Hindi sila magkaibigan pero tinulungan siya nito. Malaking bagay iyon.
Hindi umimik si Devon . Tumayo siya. Kailangan niyang umalis. Balak pa ata siyang gawing audience nito sa meeting nila ng manager niya.
“Why? San ka pupunta?” Napatayo na din si Sam at humarang sa daraanan niya. “We suppose to eat right? Parating na ang order natin.”
Tumingin siya dito. “E di kainin niyo ng road manager niyo! Kung may balak ka pa lang makipagmeeting sa kanya e di sana hindi mo na ako isinama!”
“No. I know Ernie, tsismoso lang talaga yun. Malamang nakita niya akong may kasamang babae at gusto lang niyang makilala. I promise, paaalisin ko siya agad.” Sagot ni Sam na hindi parin umaalis sa harap niya.
Lalong nalukot ang mukha niya. Mas dapat siyang umalis kung ganun. Ngunit biglang dumating ang orders nila at dahil gutom talaga siya ay umupo na lang ulit siya. “Siguraduhin mo lang na hindi niya ako guguluhin!”
Hindi pa nakakaupo si Sam nang marinig niyang magsalita ito. “And…he’s here!”
Napatingin siya sa direksiyong tinitingnan nito. Isang baklang naglalakad papunta sa kinaroroonan nila ang nakita niya. Sana nga ay hindi ito magtagal. Sa itsura pa lang kasi ay sigurado siyang napakadaldal nito. Pakiramdam niya ay uuriratin nito ang buong buhay niya.
Matapos ito magbeso kay Sam ay lumapit ito sa kanya. “What’s your name iha?” tanong nito sa kanya. Tumingin siya dito saka kay Sam. Hindi siya sumagot, hindi din siya ngumiti. Gusto niyang ipabatid dito na wala siyang kwentang kausap.
“She’s Devon …” Si Sam ang sumagot para sa kanya. “My ex-girlfriend.“ He added to lighten up the the moment. Alam niyang nainis si Ernie sa pangdededma sa kanya ni Devon .
Napatingin ang blangkong mukha ni Devon sa dalawa dahil sa turan ni Sam. Nahalata din ni Devon na hindi nagustuhan ng road manager nito ang inasal niya pero wala siyang pakialam. Sinimulan na niyang kumain.
“Naging girlfriend mo yan? Sus naman Sam! Hindi bale anak, ang mahalaga ay break na kayo, ayoko sa kanya…ang sungit eh!” Malakas ang boses nito, pinaparinggan siya.
“Nay, It’s not what you think. She saved me today. I think you should go” Pagtataboy nito sa road manager niya. “Ganyan talaga siya. She don’t talk to people so much but I owe her big time.”
“Bakit hindi pa yan napalaki ng maayos ng mga magulang niya? O tumira sa bundok at ngayon lang bumalik sa kabihasnan? Pwede pa naman sana siya sa project na kawak ko. Nakakaloka!” Hindi pa rin maawat sa pagtataray ang road manager niya.
“Really?” Na-excite si Sam sa sinabi nito. Naisip kasi nito na baka mag-iba ngkonti ang personality ni Devon kung masasanay sa tao. “Anong project?”
“Bakit ka nagtatanong jan? No. Hindi na yan pwede.” Nahalata nito ang iniisip ni Sam. “At bilang ayoko sa kanya, screening pa lang ay bagsak na yan.”
“Anong project nga?” Pangungulit parin ni Sam. Nakatayo parin ang dalawa samantalang si Devon ay walang pakialam at panay lang ang kain.
“You’re asking too much! Ni hindi mo nga ako magawang paupuin eh.” Reklamo ng road manager nito.
“Sorry.” Ipinaghila ni Sam ng upuan ang road manager nito sa katabing bakanteng lamesa.
“Ang sweet mo anak!” Naaasar man ay naupo ito.
“May utang ako sa kanya, nay!” Sagot ni Sam. Umupo din si Sam sa harap nito. Kaya naman solo siyang kumakain pero dinig na dinig pa din niya ang usapan ng dalawa. “Ano ngang project ‘nay?” tanong ulet ni Sam.
“Pinapahanap kasi ako ng fresh face para sa makakasama mo sa upcoming Max’s commercial mo.”
“The max’s restaurant?” Nakangiting tanong nito. “Oo nga bagay siya dun. Siya na lang ‘nay.” Paglalambing ni Sam sa ‘nay Ernie niya.
“Ang kulit mo ah! A-YO-KO!” Tanggi nito sabay walkout.
ang cute!!!
ReplyDelete