Friday, March 18, 2011

I-Got-You=Chapter11


CHAPTER 11

“Anong emergency?” Tanong ni Devon sa taong nakatayo sa harap niya. Lumarawan ang inis sa mukha niya dahil taliwas sa akala niya ang nabungaran. Mukhang walang emergency. Maayos ang lalaki. Mukhang bagong ligo pa nga ito.   

“You’re here!” Sambit ni Sam sabay yakap sa kaibigan.

“Anong kalokohan ‘to?” Tinulak niya si Sam palayo sa kanya. Nagmamadali siyang puntahan ito kanina. Hindi siya naligo, buti na lang nakapaghilamos siya kanina.

“Gusto ko lang puntahan mo ako. I miss you” Wika ni Sam saka lumakad patungo sa may sala.

Napatas ang kilay ni Devon. Ano kayang nakain ng mokong na ito? Nawiwirduhan man siya sa kaibigan ay sumunod pa rin siya dito.    

Nakaupo na si Sam sa sofa. “I’ve been thinking a lot these days.” Simula ni Sam pagkatapos ng ilang sandali.

 Nakakunot na ang noo ni Devon pero hindi siya nagsalita. Nakatayo pa rin siya sa harap ni Sam.    

“I cant hide this anymore.” He gently said. Lumakad ito palapit sa kanya. Masuyong tinitigan si Devon.

“Naku Samuel. Hindi ako tinatablang ng mga ganyang titig mo! Ilang beses ko nang napanood ang mga ganyang tingin mo ano!” Tinatagan ni Devon ang sarili. Wala yatang matinong babae ang hindi madadala sa ganong titig. Pero kung dati ay nakakayanan niyang wag mahalata, ngayon pa kayang na wala na siyang crush dito!

Totoong may kaunti siyang naramdaman kay Sam dati pero masyado pa siyang bata noon. Normal lang na maattract siya sa ganong kagwapong mukha. Idagdang pa kasing mabait din ito. Ngayon ay hinding-hindi niya papangaraping maging girlfriend nito. Saksi kasi siya sa pagiging palikero nito. They are better of as friends.    

“No hear me please.” His hands framed her face, his adoring gaze on her face. “Madami na akong nakilalang babae, mas maganda sayo, mas mabait sayo, mas maalaga. Hindi nila ako sinusuntok…” Ngumiti ito pagkasabi noon.

Blangko lang ang mukha ni Devon. Hindi niya alam kung paano magrereact sa mga sinasabi ni Sam.

“…But I don’t know why… I always want to be with you, to laugh with you…” Huminga ito ng malalim. Just being with you is heaven! …Maybe because all this time,… I’m inlove with you.” Sam declared. His eyes were still locked on her face, looking at her tenderly.

Lalong hindi alam ni Devon kung anong sasabihin. Halos hindi na siya humihinga. Tama ba talaga ang dinig niya? Tumitig siya sa mga mata ni Sam. Seryoso ang mga iyon.

Biglang tumawa si Sam. “You looked really scared!” Binitiwan siya ni Sam saka ito lumayo sa kanya.“Happy April’s fools! How’s my acting? I’m practicing my lines actually.” Pahayag ni Sam saka ito itinuloy ang pagtawa. He laughed really loud.

Si Devon ay naman ay parang nabuhusan ng malamig na tubig. Niloko lang siya ni Sam at ngayon pinagtatawanan!

“I am not a stupid fan of yours to say everything that pleases you. Your acting sucks! You are an ass!” Devon shouted.           

Napatigil si Sam sa kakatawa. Galit si Devon. Hindi nito nagustuhan ang biro niya.

“What kind of beast are you? Are you a special kind of beast?” Galit na tanong ni Devon. “Don’t you dare talk!” Supalpal niya kay Sam na tangkang sumagot.

Tinanka siyang hawakan ni Sam sa balikat “…And don’t you dare touch me! I’m going to say everything now because after this, we’re not gonna be friends again.”

Natigalgal si Sam. Hindi niya akalaing magiging ganon ang reaksiyon ni Devon. Madalas naman kasi niyang niloloko si Devon ng mga kung anu-anong mga dialoque na napupulot niya sa mga script na pinag-aaralan niya. Nasobrahan ang joke niya at wala sa timing. “I’m sorry!” Seryosong paghingi ng tawad ni Sam sa kaibigan.  

“I’m a friend here. I was catching my most precious sleep when you called.” Tumalikod ito sa kanya saka muling humarap ng nakapamewang. “Hey, Do you even know what sleep is for an intern who’s been working for 48 hours? But then I came… because I’m a friend!” Madiin ang bawat salitang iyon ni Devon. “…Just to find out…just to find out that you are practicing your fucking lines on me?”

“I’m sorry! I’m sorry!...Dati naman kasi sumasakay ka pa sa mga dialoque ko eh…Sorry na!” Hindi magkamayaw si Sam sa paghingi ng paumanhin.

“I don’t mind losing a friend like you!” Pasigaw na sabi ni Devon saka mabilis na lumabas ng condo ng kaibigan. Ibinalibag din nito ang pinto.

Naiwan si Sam na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Nais niyang sundan si Devon pero batid niyang masyado itong galit para harapin siya. Kinuha niya ang cellphone at nagtype doon. Nagsorry ulit siya. Nagpaliwanag. Umasa siyang magrereply si Devon pero lumipas ang 30 minuto ay walang anumang sagot galing dito. Muling lang nabuhay ang dugo niya nang makitang may tumatawag, si Devon iyon. Bigla siyang nag-alangaang sagutin ito. Mukhang tatalakan na naman ako! Ngunit sa huli ay hindi rin niya napigil ang sarili na sagutin ang tawag na iyon. “Hello…”

“Happy April fools Sam!” Malakas na sabi ni Devon sa kabilang linya. Kasunod iyon ng malakas at malutong na tawa nito. 


Unti-unting naunawaan ni Sam ang nangyari. “Shit! Hanep ka ah! Ang galing mo ring umarte...kainis! Halos Lumubog na ako kanina sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi mo ah…”

Tumatawa pa rin ito. “May halong katotohanan kasi ang dialoque ko. Nakakainis ka kasi talaga eh, akala ko kung anong emergency na yan. Akala ko magsu-suiside ka na kanina or something. I got you!”

“Asan ka? Balik ka nga dito para makantusan kita.” Maluwag na ang dibdib ni Sam. Nakikipagtawanan na din ito kay Devon. Akala talaga kasi niya ay galit na galit ni Devon.

“Dito bumibili…” Nang-iingit ang boses ni Devon. “…Ng krispy kreme!”  Alam kasi niyang paborito yun ng kaibigan.

Natakam si Sam sa narinig. “Uy! Balik ka naman.” Pakiusap ni Sam.

“Ayoko nga!” Tanggi naman ni Devon “Akin lang to, nastress ako sayo!”

“Sosolohin mo ang isang box? Ang damot mo ah!” Reklamo ni Sam.

“Manigas ka!” At pinatay na ni Devon ang kanyang phone. 

No comments:

Post a Comment