CHAPTER 16
“Quen isn’t really coming?” Aj asked again. Kasalukuyan kasi silang nasa bagong bahay nito sa Alabang. Tangan-tangan nito ang isang bote ng alak at pinapanood ang mag-isang nagbibilyar na kaibigan.
“Yeah! He’s on a date!” Sagot ni Robi, hawak ang tako ng bilyar habang naghahanap ng magandang pwesto para sa isang magandang tira.
“Again?” Hindi mapigilang tanong ni Aaron na nakaupo sa isang sulok habang nguya ng nguya ng mani.
“Aba noong nakaraan, nasa date na naman siya ah.” Komento ni Enchong habang mag-isang nilalantahan ang isang box ng pizza.
“Well… What can we do? Inlove eh!” Robi shrugged his shoulders.
“Do you have any idea who the girl is?” Tanong iyon galing kay Enchong. “Mukhang seryoso talaga siya dun kung pati ang mi-minsang get together natin ay ininjan niya.”
Tumawa si Aj. “Kung ang kadate niya ngayon is the same girl he dated last time na ininjan niya tayo…seryoso nga siya nun! Pero pag hindi…” Sadyang ibinitin nito ang sinasabi saka ngumisi.
“Ang alam ko yun pa rin yung girl pero kahit anong pilit ko ayaw niyang sabihin o ipakilala. He’s keeping it a secret!” Si Robi na naman ang sumagot.
“Wow! That is something! Feeling ko tuloy malapit ng ikasal yung lokong yun. Kung nagkataon, siya ang unang magkakaasawa sa atin, bad!” Tumatawang sabi ni Aaron.
Nagtawanan ang lahat sa pahayag ni Aaron.
“Quit talking about them. Let them be, guys!” Sa wakas ay nakisali din si Sam sa usapan. Nakaupo itong nakatalikod sa kanilang lahat, naglalaro ng wii. Nag-iinit na kasi ang tenga niya sa mga naririnig.
Simula noong araw na ma-realize niya na wala siyang kapag-a-pag-asa kay Devon ay pinilit niya ang sariling tigilan na ang pakikialam sa panliligaw ni Quen kay Devon .
Naririnig niyang nagkukulitan ang mga kaibigan. Tatawagan daw nila si Quen sa kalagitnaan ng date nito, desidido ang mga itong alamin kung sino ang ka-date ng pihikang si Enrique.
Nanatiling siya sa kanyang kinauupuan. Hindi siya makikisali. Pipilitin niyang wag makialam sa date ng mga ito ngayon o sa mga magiging date pa nila sa hinaharap. Dumiin ang pagpindot niya sa gadget na hawak. Wala kasi naman siyang karapatan. He’s just a friend!
------
“Sam, bagay kayo!” Nakaharap si Devon sa laptop niya, kasalukuyang nagba-browse sa thread ni Sam. Ang babaeng tinutukoy nito ay isang modelo. Maganda ito, matangkad. The picture was taken in a showbiz function. Nakaakbay si Sam dito.
Umangang-umaga pa lang ay naroon na si Devon . Namimiss na daw kasi siya nito. Sadya kasing umiiwas si Sam sa kaibigan. Hindi siya martir, ayaw niyang makita ito habang masaya ito kay Quen. Oo, selfish siya dahil hindi niya magawang maging masaya sa dalawa. E say un ang pakiramdam niya eh. He just hopes that in due time he will be okay.
Lumapit si Sam kay Devon at sinilip ang sinasabi nito. He shook his head. “Hindi ko siya type! Party animal yan eh!”
She raised a brow. “Oh! So anong type mo?”
“Yung simple lang dapat” Sagot ni Sam na sa pagkakataong iyon ay nakabalik ng muli sa kanyang pagti-tread mill.
“Okay! Sige… Ito feeling ko magugustuhan mo ‘to.” Nagtype si Devon sa laptop nito. Tumambad sa screen ang isang morena beauty queen na nakita niya sa binabasang magazine ni Sam noong nakaraang araw. Mabilisang binasa nito ang profile ng tinutukoy nito. “Impressive! I think she’s your ideal girl” Masiglang pahayag nito saka lumingon sa kanya.
Hindi sumagot si Sam. Lalo nitong binilisan ang tread mill. Simple ka lang di ba? Hindi ba pwedeng ikaw na lang?
Sinimulang basahin ni Devon ang mga nakasulat sa profile nito. “She’s a CPA… She has a clothing business… She loves extreme sports… She was a varsity player… She loves kids…! Ideal date? Picnic by the beach!...” Tumawa si Devon . “Showbiz crush? Sam Concepcion!” Lalong lumakas ang tawa nito. “I was just kidding. It’s Hayden Christensen actually, pero di ba mas gwapo ka naman dun?” Nakangiting tanong ni Devon .
Pinatay ni Sam ang tread mill at tumalon mula roon. Kinuha nito ang tuwalyang nakasabit sa kanyang balikat at nagpunas. “Sandali nga! Teka? Ano ‘to?” Nakapamewang na tanong niya kay Devon . He was topless. He was just wearing a black jogging pants and a rubber shoes.
“Wala lang!” Nagkibit balikat na sagot ni Devon .
“Anong wala lang? You don’t normally do this! Ngayon, para kang nagbebenta sa aking ng babae eh” Seryosong pahagay ni Sam.
“I want you to be happy!”
Napahalukipkip si Sam. “Come on! Spill it out” Hindi siya naniniwala sa sagot niya. Hindi kailan man nakialam ito sa mga ganong bagay.
Tumayo ito sa harap niya at humugot muna ng malalim na hininga. “We are friends… and I want to help you find your perfect girl… ‘cause I think I already have mine…” Devon said looking straight to his eyes.
Tahimik lang na nakikinig si Sam. Tumigil yata mag-function ang utak niya.
“I said yes…” She stated in a weak tone. “… Last night!”
Napakurap si Sam.
“Quen and I are… We are back together!” Nakangiting balita ni Devon . “Gusto kong isa ka sa mga unang makaalam.”
Hindi nakapagsalita si Sam. Inasahan na niya iyon pero bakit parang hindi pa rin siya handa? Alanganin siyang ngumiti at mabilis na tumalikod. He’s about to cry and he does not want her to see him that way.
No comments:
Post a Comment