Chapter 7
Simula noong araw na nagising si Devon sa bahay nila Sam at nakikain doon ay tila naging mag bestfriend na nga ang dalawa. Hindi na kasi maiwasan ni Devon si Sam. Mas naging makulit ito na hindi naman niya magawang supalpalil, tulad ng dating ginagawa niya. Ito ang nagligtas sa kanya at hindi niya iyon nakakalimutan.
Napabuntong hininga siyang muli. Hindi iyon pwede. Wala dapat siyang ganong pakiramdam. Magkaibigan lang sila. Hanggang doon lang dapat iyon. Mabuti sana kung hindi niya laging nakikita ito, tuloy naaapektuhan ang pag-aaral niya. Nakoconcious siya tuloy magrecite. Dapat kasi hindi sila magkaklase eh!
Biglang napadaan si Enrique sa classroom nila. May kinausap itong kaklase niya na nasa may pintuan. May emergency meeting daw kasi ang mga teachers nila kaya pakalat-kalat ang mga estudyante. Tinitigan niya si Enrique. Gwapo ito, matangkad at mabait. Hindi siya sigurado sa huli pero yun ang lagi niyang naririnig. Napatungo siya sa notebook niya at lumingon sa paligid sandali. Sinulat niya ang pangalan ni Enrique. Sana si Enrique na lang ang crush niya para walang komplikasyon. Bakit kasi si Sam pa eh!
“Crush mo pala yang si Enrique.” Sam stated which made Devon froze. He then occupied the seat next to her.
“Don’t you dare deny it! It is all over your face. Those zits tell me.” Tumatawang turo pa nito sa mga dawalang pimples niya sa noo.
Hindi siya kumibo pero sinimangutan niya ito.
“Don’t worry invite ko siya sa anniversary nila papa. Kaya dapat magpaganda ka nun, para mapansin ka na niya.” Sam said followed by his cute wink.
Pinilit niyang linabanan ang kilig na nararamdaman dahil sa pagkindat nito. “Hindi nga ako pupunta sa birthday ng mama mo eh.” Muling naalala ni Devon ang 25th anniversary ni Tita Claire at Tito Bernard. Noong kumakain sila ay nabanggit iyon nito. Kailangan daw na nandoon siya. Sobrang bait ng mama ni Sam kaya napa-oo siya, kahit wala talaga siyang balak pumunta. Alam niyang hindi basta-basta ang party na iyon. Hindi siya nababagay doon. Noong nakaraang araw ay napag-usapan nila ni Sam ang tungkol doon. Hindi pa rin nagbabago ang isip niya. Hindi siya pupunta kahit kaladkarin pa siya nito.
“And speaking of… I received a text from my mom.” Sam stated while waving his phone. “May appointment ka today sa modista ni mama.” Hindi basta modista lang ang tinutukoy ni Sam. Isa iyong sikat na fashion designer sa bansa.
Lumaki bigla ang mga mata ni Devon . “No!”
“Yes. We’ll going after class.” Walang ano mang sagot ni Sam.
“Sabihin mo kay tita na hindi ako makakapunta. Sayang lang yung damit.” Pakiusap ni Devon ng pabulong.
“What? Give me one good reason why!” Hamon ni Sam sa kanya.
“Hindi ako bagay sa mga ganon. Nakakahiya lang.” Sagot ni Devon nang hindi timitingin sa kausap.
“That’s your only reason? Ok! I’ll call mom to tell her that.” Sam declared.
“It’s ringing…” Imporma niya kay Devon maya-maya. “Hey mom, Devon wants to talk to you…”
Napamulagat si Devon . Nakakainis talaga ang lalaking ito. Buong akala pa naman niya ay naintindihan na nito ang rason niya. Akala niya ay ito na ang magpapaliwanag sa ina. Ilalagay pa talaga siya sa hot seat. Sinimangutan niya si Sam at alanganing inabot ang phone nito. Nakakahiya kasi pag pinag-antay niya ang mama nito.
“Ah…hello po tita…” Panimula ni Devon kasunod ng malalim na hininga nito. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin na ayaw niyang pumunta sa party nito.
“O Devon, nasabi na ba ni Sam that you have an appointment with Pepsi Herera today?” Tita Claire asked filling her being speechless.
Hinampas niya ang balikat ni Sam. He turned to her with pained expression from being busy drawing something on her notebook. Alam talaga nitong hindi niya mahihindian ang mama nito. “O…po tita.” She reluctantly replied.
“What’s wrong iha? Hindi ka ba pupunta? You don’t want to go? Is that reason why you wanted to talk to me?” Mrs. Concepcion tone was obviously disappointed.
Natigilan si Devon . “No, Tita. I’m… going.” Nakagat niya ang labi niya. Wala na talaga siyang lusot. “I… just… want to say thank you for… the gown?! Ahhmm… nakakahiya po kasi talaga…”
“No. Don’t mention it iha. Wala kasi akong anak na babae, kaya pasensya na kung pinapakialaman ko ang isusuot mo.” Tumawa ito sa kabilang linya. “At alam mo ba kung bakit pinipilit kitang pumunta? You should meet good looking guys! Hindi mo dapat binuburo ang ganda mo sa pag-aaral. And of course, gusto kong magsisi yang si Samuel kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa nililigawan.”
Namula ang mukha ni Devon sa huling winika nito. May iniisip palang ganon ang mama ni Sam. Pasimple siyang tumingin sa binata. Nakayuko ito sa notebook niya hawak ang lapis nito. “Naku tita, hindi pwede yang iniisip niyo.” Ang tanging sagot ni Devon .
“No! It’s possible!” She laughed again. “N’ways I have to go. Kanina pa nag-aantay yung pasyente ko. You take care, okay?” Pahayag ng mama ni Sam. Pagkatapos noon ay naputol na ang linya.
Kinalabit ni Devon si Sam para isoli na ang phone nito. “Uy cellphone mo!”
“Wait. Tapusin ko lang ‘to. Just hold it.” Sabi ni Sam na hindi man lang lumingon. His pen is continuously stroking her notebook.
Ilang saglit lang at; “It’s done!” Sam said widely grinning. “Ganyan ang mukha mo kanina oh.” Inangat nito ang drawing at ipinakita kay Devon . Larawan iyon ng isang babaeng nakasimagot, salubong ang mga kilay at may dalawang pimples sa noo.
Gustong ipakita ni Devon na naiinis siya dito, na hindi niya nagustuhan ang drawing nito at hindi pa niya nakakalimutan na inilagay siya nito sa alanganin kanina. Sumimagot siya pero maya-maya ay hindi niya napigilang matawa sa drawing nito. Tawa siya ng tawa habang panay ang hampas niya sa balikat nito.
No comments:
Post a Comment