CHAPTER 10
“Where are you?” Tanong agad ni Devon pagkasagot ni Sam sa telepono nito.
“Kumustahin mo naman ako, kaibigan!” Nagbibirong sagot ni Sam.
“Wala akong panahon. Asan ka? Nasa condo ka ba ngayon?” Sunud-sunod na tanong ni Devon .
Pinaikot niya ang mga mata.“Para namang may atraso ako kung makapagtanong ka. Oo nandito nga ako.”
“May kasama ka?” She impatiently inquired again.
“Wala! Mabilis na tugon ni Sam. “Bakit ba kasi?”
“May topak!” Sabi ni Sam sa phone nito, na parang ang bagay na iyon ang taong kausap niya. Nawala na kasi sa linya si Devon . Itinuloy na lang niya ang naudlot na pagbibihis. Kakatapos lang kasi niyang maligo.
After a few minutes, his door bell rang. Baka si Devon na ito, sabi niya sa sarili. He answered the door wearing his boxers. Ganti niya iyon sa dalaga dahil binabaan niya ito kanina ng telepono. Ayaw na ayaw kasi ni Devon na hinaharap niya ito ng ganon lang ang suot niya.
Hindi siya nagkamali. Si Devon nga ang nasa labas ng pintuan. Pero hindi nito pinansin ang suot niya. “I want a drink!” Iyon lang ang sabi nito saka ito mabilis na pumasok sa tirahan niya. Dire-deretso ito sa may mini-bar doon.
Sinundan ni Sam ang kaibigan. Kasalukuyang binubuksan nito ang isang bote ng vodka.
Inagaw niya kay Devon ang boteng hindi nito mabuksan-buksan. “Anong atin?” Tanong niya sa mukhang problemadong kaibigan.
Hindi sumagot si Devon . Inilapag lang niya sa harap nila ang baso nitong may yelo na kinuha niya sa ref niya. Inubos nito ang laman niyon na kakalagay lang niya. Inilapag muli nito ang baso at sinenyasan si Sam na lagyan ito ulet.
“Hindi ko lalagyan uli yan hanggat hindi ka nagkukwento sa akin.” Pahayag ni Sam na hinigpitan ang hawak sa bote ng alak.
Inirapan siya ni Devon saka ito napahugot ng malailm na hininga. “I’m an intern, a stupid intern.” Panimula ng dalaga.
“Come on, you were a working student but then you survived in a medical school, you even graduated madna cum laude! Pagpapaalala ni Sam sa kaibigan. “Makakapatay yata ako pag pinagsabihan ka ng stupid!”
“Maawa ka! Ayokong maalala yan!” Tinakpan ni Devon ang mga tenga nito. “Lalo tuloy akong na-depress.” Mahinang dagdag nito.
Mukhang malala ang lagay nito! Napakuha na din si Sam ng isa pang baso para sabayan ang kaibigan sa pag-inom. Sa lagay kasi nito ay mukhang makakaubos ito ng isang bote. Iginiya ni Sam si Devon sa may dining table. Naupo silang magkaharap. Patuloy na nanahimik lang si Sam, inaantay ang muling paglalahad ng kaibigan.
Muling nagsalita si Devon . “It’s the first time that I am in a room and I don’t have any idea what I’m doing.” Nakayuko ang mga ulo nito. Hilo na din siguro ito dahil sa sunud-sunod na pag-inom nito ng 3 baso ng alak.
Tahimik lang na nakikinig si Sam. “Sa dalawang araw ko palang sa ospital, 3 na pasyenteng assigned sa akin ang namatay. Parang may jinx ako. Imagine, ang dami naming intern pero ang mga pasyente ko lang ang namamatay. And then after it, kahit pagturok ng IV hindi ko na magawa. Naubos ang confidence ko. Feeling ko tuloy hindi ako destined to be a doctor. Nakakahiya sa mga mentor ko. They are expecting too much from me!” Napabuntung-hininga siya. “…Because I was a top student.” Damang-dama sa boses nito ang depresyon.
“Ano ka ba, intern ka nga di ba? Kaya lahat ng ginawa mo kahapon ay halos first time mo lang ginawa. It’s very understandable that you’ve made some errors. At tsaka yung mga namatay, nagkataon lang yun.” Pagpapalakas ng loob ni Sam sa kaibigan.
“Hindi mo kasi alam yung pakiramdam na tinitingnan ka ng mga tao, na parang sinasabi ng mga mata nila that they are losing their trust on you. I cant bear that! Pati pasyente ko kung makatingin parang hindi ako doctor, parang ako yung taong papatay sa kanya.”
Umayos ng upo si Sam at inabot ang kamay niya. Tinitigan siya nito sa mata. “All doctors in the world experienced that. Earning trust…, losing them and regaining that trust again. Of course, everyone wants their doctor to be the best. Buhay ang pinag-uusapan eh. Lahat ng tao may bad day and soon makakabawi ka rin. You’ll be a great doctor, I always believe you will!”
“Say it again please!” Turan ni Devon .
“You’ll be a great doctor!, you will!” Malakas at madiin na sabi ni Sam. Totoo naman kasi iyon. Matalino si Devon ayaw lang talaga nitong nagkakamali.
Unti-unting ngumiti si Devon . “I need a hug.” Pahayag niya sa kaibigan kahit nakasando at boxer short lang si Sam.
Lumapit siya kay Devon at niyakap ito. “Naka naman! Baka mamaya sabihin mo nang kailangan mo ng katawan ko ah.” Malaki ang mga ngiti ni Sam. Okay na kasi ang kaibigan.
Natatawang hinampas ni Devon si Sam sa braso. “Loko!”
“Aray! Ano ba?” Reklamo ni Sam pero hindi pa rin kumakalas sa yakapan nilang dalawa.
Ilang minuto din sila sa ganong posisyon, magkayakap. “Alis na nga ako. Baka kasi pagsamantalahan mo pa ako eh.” Tumayo na si Devon na malapad pa rin ang ngiti. Lumakad ito patungo sa sala. Balak niyang ayusin ang sarili sa may salamin na naroon.
Tumayo din si Sam at inabala ang sarili sa pagliligpit ng mga ginamit nila. “Naku.. ako pa nga ang lugi nun!” Sigaw nito mula sa kusina.
“Sam, alis na ako!” Sigaw ni Devon sa kaibigan maya-maya. On-call pa si Devon bukas. “At wag na wag mo na ulet ididisplay yang katawan mo ah! Hindi maganda!”
“Asus! Nag-enjoy ka naman! Mahal na ang bayad ng mga nagbibigay ng kaligayahan ngayon, asan ang bayad mo.” Pahayag ni Sam na galing ng kusina.
Tumatawang pinihit ni Devon ang pintuan pasara habang kumakaway palabas. Madalas siyang magbiruan ng ganun. Pero alam na alam ng bawat isa na safe sila sa isa’t isa. Gayon man, kahit gaano kapagod si Devon , ni minsan hindi siya natulog sa condo ng kaibigan. Alam niyang sa trabaho ni Sam ay isang malaking bagay iyon. Ayaw niyang makakomplika sa magandang takbo ng career nito. Siguradong magwawala kasi ang mga fans nito.
No comments:
Post a Comment