Friday, March 25, 2011

I-Got-You=Chapter17


Chapter 17

“It’s Robi!” Nakangiting sabi ni Quen kay Devon. They were in a restaurant. Naiiiling na nag-type siya sa kanyang phone, ang daming kasing tanong ni Robi. Hindi na kasi siya makakasunod pa sa usapan ng grupo. May naisip kasi siyang gawin matapos nilang kumain ni Devon.

Devon just smiled and continued eating.

 “After this, we’ll go somewhere!” Masayang turan ni Quen na hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.

She gave him a quizzical look.

“I want to show you something…” He gently said.

She smiled again. “Mahilig ka pa rin sa mga surprises!” Wala sa sariling nasabi ni Devon. That’s actually one of the beautiful things she likes about Quen, maybe one reason why he’s unforgettable.
 
He just smiled. She still remembers!

Natapos nilang kumain ay pumunta sila sa bahay nito. She was awed by it’s beauty. The  two- story modern house with a very masculine interiors is just amazing.

“You’re really a smart investor!” Komento ni Devon habang nakatayo sa living room. Kanina niya pa iyon inuulit-ulit habang nililibot nila ang bahay.

“I still have one thing to show you!” Sabi ni Quen saka siya inakay sa malawak na garahe.

Sa garaheng iyon ay nakaparada ang isang magarang sasakyan. Wala siyang masyadong alam sa mga sasakyan pero hindi rin naman siya ganon katanga. “Wow!” Yung lang ang nasabi niya pero paulit-ulit.

A ford track!

“It’s customized!” Masayang pahayag ni Quen. “Kanina lang nadeliver at gusto kong ikaw ang pinakaunang makakita. Come!” Aya nito kay Devon.

Kompleto ang sasakyan. May toilet, may higaan, may closet at meron ding TV. Maganda ang loob ng sasakyan, cozy. May ref pa nga eh. Kung may balak kang magtago doon ng ilang araw ay pwedeng-pwede. Hindi mo na kasi kailangang lumabas pa dahil halos lahat ay nandoon na.

“This is a lot of money!” Nakangiti at naiiling na sabi niya kay Quen noong makalabas sila ng sasakyan.

“No. This is a lot of sleepless nights…and head aches! … and body pains!” Tumatawang sagot naman nito.

Nginitian niya si Quen. “…And you deserve it! You.. work really hard!” Sumunod ang mahinang tawa niya while she shook her head. “I… I was about to say you deserve it ‘cause you are a great actor…but ironically I don’t watch any of your project! I’m sorry!” Tumawa siyang muli sa naisip.

“You probably don’t want to see me with other girls, so don’t be sorry!” He answered in glee.

“Partly yes!” She shrugged. “But… the other part says… I hate you and I don’t want to see your face!” Unti-unting nabura ang masayang tono niya. Muli niya kasing naalala ang kanilang mapait na nakaraan. Muling naalala niya ang sakit, ang dahilan kung bakit ayaw niya manood ng TV sa mahabang panahon.

Napatingin lang sa kanya si Quen. Ibinuka nito ang kanyang bibig pero hindi nito alam kung anong sasabihin. Sa huli ay napayuko na din ito.

Sa kanilang nakaraang dates ay hindi kasi nila napag-uusapan ang mga dating nangyari. Both talked and asked about the present. Both were acting like an adult, trying to believe that past is really past!

But it’s not, it’s not the case for both of them! Malalim pa rin ang sugat sa puso ni Devon at matindi pa din ang takot ni Quen sa consequence ng ginawa niya noon.

“Sinabi ko na bang galit ako sayo? Nagpatuloy si Devon.  “Na galit na galit ako sayo?”

Madiin ang bawat salitang iyon ni Devon. Tumatagos sa pagkatao ni Quen, ramdam na ramdam niya ang galit sa boses ng dalaga. Gayunman, tinapangan niya ang sarili at tumingin sa galit na mukha ni Devon.

“You didn’t even have the guts to tell me in my face…” Pumatak ang ilang butil ng luhang kanina pa niya pinipigil. Pinahid niya ang mga iyon at nagpatuloy. “I hate you for making me feel that pain.” Sinampal niya ito ng ubod ng lakas.

Matapos iyon ay parang naubos ang lakas ni Devon. Napaluhod siyang umiiyak sa sahig. “Sa wakas nasampal din kita! I know this is ridiculous for some people but I don’t care. You can say that this is inappropriate, na sobrang delayed reaction ako but I don’t care…I just want to stop acting I’m okay because all this years, I am not! I tried but I just can’t!”

Tiningnan ni Quen ang babaeng minahal at patuloy pa ring minamahal. Nakagat niya ang kanyang labi. Masyado niyang sinaktan ito. Hindi na rin magkamayaw ang pagpatak ng mga luha niya habang nakatunghay sa patuloy na umiiyak na dalaga. Itinayo niya si Devon at niyakap ng mahigpit. “I’m sorry! I’m sorry!” Iyon lang ang pwede niyang sabihin. Wala siyang pwedeng idahilan.

Nag-iyakan sila ng matagal. Walang ginawa si Enrique kundi yakapin si Devon ng mahigpit at paulit-ulit na mag-sorry.

Maya-maya ay naramdaman ni Quen na tumigil nang umiyak si Devon. He pulled back and gently wiped her tears with his hands. “Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo at hindi iyon mababayaran ng ilang libong sorry.” He held her hand so tight. “But now, I am offering my loyalty… my love… my all. I want to wake up with your smile, to experience my heart swell again just because of your adoring gaze. Can you please give me a chance?” Umiiyak na pagsusumamo ni Quen.

Muling umiyak si Devon. Matagal na niyang gustong marinig iyon. Matagal na!

“Yes! You can have your chance…” Ngumiti siya habang panay ang pahid sa mga luha. “I was actually wishing you’ll ask that!”

No comments:

Post a Comment