CHAPTER 12
Kasalukuyang nasa the Buzz si Sam ngayon, kaharap si Boy Abunda. Nakatingin sila pareho sa malaking screen kung saan nagpa-flash ang mga pictures nila ni Devon sa Boracay. Kuha ang mga ito noong last summer. Nakuhanan sila ng mga malisyosong showbiz reporter. Nakatwo-piece si Devon ng kulay brown siya naman ay naka board shorts lang. May mga kuha silang nagbubulungan, nagtatawanan, nakaakbay siya kay Devon at meron din yung nakayakap siya sa dalaga.
“Matagal nang usap-usapan ito. Sam, Sino ba talaga ang babaeng kasama mo sa picture? Siya daw ba ang ipinalit mo kay Gabrielle? Everyone knows na, matagal na kayong hiwalay ni Gabrielle pero madaming fans niyo pa rin ang umaasa. Sam, right now…do you have a girlfriend?” Mahabang pahayag ni Boy Abunda.
Huminga siya ng malalim at itinaas ang microphone. Hindi niya sana gagawin ang interview na ito, kaso mag-aair na ang bago niyang teleseye at sabi ng manager niya na hindi makakatulong kung maiidentify siya sa ibang babae bukod sa leading lady niya.
“I’m single Tito Boy. Wala akong ipinalit.” Seryoso ang mga mukha ni Sam. Kailangan iyon upang ma-assured ang mga fans nila ni Gabrielle. “…And to answer your question kung sino yung babae sa picture… I know sobrang gas-gas na ang we’re friends” Nag-quote and quote pa ang mga kamay nito sa ere. “…But we are! We are just cool friends!”
“Ok! Tell me something about her.” Pahayag ng tanyag na host.
“She’s a private person. She’s a doctor actually.” Sagot ni Sam.
“Wow! Great!” Ngumiti ang kilalang showbiz host. “But she was a model right?”
“Yes! She was. She did some modeling jobs and some commercials while studying.”
“Impressive!” Tumatangong sabi ni Boy Abunda. “So how is she as a friend? Pwede bang ilarawan mo kung paano kayo bilang magkaibigan?”
“We’ve known each other since high school. She’s my best friend. When I am happy and all the people in the world loves me, she hates me. She say things I don’t want to hear but whenever I’m down, she’s the best clown ever! Siya yung nagbabalance sa mood ko. Kasi Tito Boy sa trabaho natin, mahirap makahanap ng totoong tao, na magsasabi ng mga flaws mo at pupuri sayo. Mabait siyang kaibgan, totoo!”
“That’s correct! I agree…pero hindi niyo ba nakikita ang sarili niyo together, in a romantic relationship?” Nakangising tanong ni Tito Boy.
“No!” Nakangiting sagot ni Sam sabay iling.
“Pero napag-uusapan niyo?”
“Yes! At ang parehong reaction namin ay; yuck!” Inilabas ni Sam ang dila at kunwari naduduwal.
Humagik-gik si Tito Boy. “Talaga? She’s really pretty… mukhang bagay kayo!”
Tumawa lang si Sam. “We are just friends, Tito Boy!”
Tumawa din si Boy Abunda. She’s also very sexy, have you seen this?” Kinuha nito ang isang magazine sa likod ng upuan nito.
Tumambad sa kanya ang isang babaeng naka-eyeglasses may sobrang iksi at hapit na shirt, parang school shirt iyun. Walang anumang pang-itaas na suot ang babae. Isang librong hawak lang nito ang nakaharang sa dibdib nito. Maganda ang babae at seksi nga din talaga ito.
Hindi maitanggi ang pagkagulat sa mukha ni Sam.
“You looked really shocked!” Tumatawa na naman si Tito Boy. “You not aware of this?”
“Ang sinabi niya lang sa akin, she’ll be a cover of a magazine this coming month. I don’t know that it’s for a men’s magazine!” Sagot ni Sam na hindi pa nakakarecover sa pagkabigla nito.
“Now you know!” Nakangiti sa kanya si Tito Boy. “So what do you wanna say?”
“Nagulat lang ako, pero siya ba talaga yan?” Tumatawang tanong ni Sam
Tawa ng tawa si Boy Abunda sa reaksiyon niya. Pero tumigil din ito maya-maya at muling nagtanong. “Since ikaw itong matagal na sa showbiz, do you tell her what to do. I mean, do you specifically say she don’t do such things? Like posing in a men’s magazine?”
Nakabawi na din si Sam at sumeryoso. “I don’t meddle on things she wants to do unless she asked me about it. Tsaka matanda na siya ano, at mas matalino yan sa akin! Nagulat lang talaga ako!” Sam explained as he silently laughed.
Tumatawa pa rin si Mr. Boy Abunda. “Okay, malinaw na. He said he’s single. Sige Sam, magpromote ka na!”
-----
“When you do outrageous things, you should consult me!” Pahagay ni Sam sa kausap. Dumiretso siya ng dressing room niya matapos ang interview niya kanina kay Mr. Boy Abunda saka tinawagan si Devon .
Napangiwi si Devon sa lakas ng boses ng kaibigan. “Ano ba yun?”
“You posed in a men’s magazine! Ano ka ba? Once you did that, pagpi-fiestahan ka na ng mga lalaki!”
“May pa “I don’t meddle on things she wants to do” ka pa jan ah!” Kunwaring pabulong na sabi ng road manager niyang si Ernie, ang tanging kasama niya sa dressing room.
Tiningnan niya ng masama ang nanay-nanayan niya. Malamang ito ang may alam ng lahat. Noon kasing napilit niya dating isama nito si Devon sa Max’s commercial niya ay naging maganda ang working relationship ng mga ito. Nagkapalagayan ng loob at ng lumaon ay anak na din ang tawag nito kay Devon . Kaya naman tuwing nangangailangan ito ng talent ay laging si Devon ang pinipilit nito o kung si Devon naman ay may kailangan ng trabaho ay laging may nakalaan ito para sa dalaga. He won’t be surprise if this time he’s responsible on Devon ’s latest project.
“Yun ba? Eh kasi nauubos na yung savings ko at kailangan ko ng panghulog ng condo.” Walang anumang sagot ni Devon .
“Edi sana nangutang ka na lang sa akin! Hindi yang kung anu-ano yang pinapasok mo!” Panenermon pa rin ni Sam sa kaibigan.
“Ayoko nga! Besides hindi yun malaswa. Sigurado ako doon. Hindi yun makakaapekto sa pagiging doktor ko. It was taken last year before I begin my internship, ngayon lang nilabas kasi. Dont worry makakalimutan din yan ng tao.” Mahabang explanation at pagrarason ni Devon .
“Ewan ko sayo!” Naiinis na pinindot ni Sam ang end button ng kanyang blackberry.
nice.. :)))
ReplyDeletenxt plz..
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletevery nice story..goog job kat..next chapter plz :)
ReplyDelete