Monday, March 21, 2011

I-Got-You=Chapter13


CHAPTER 13

Its Sunday, usual Sunday na magulo sa dressing room ng ASAP. Magkakasama kasi sa dressing room sila nila Enrique, Aaron, Aj, Enchong at Robi. Si Sam ang pinakahuling dumating sa kanila.  Hindi siya napansin ng mga ito. Masyado silang busy sa isang bagay, malamang ay may bagong gadget na naman ang isa sa kanila. Kaya nagkumpulan ang mga ito sa isang sulok.

“Shit! She’s so hot!” Narinig niyang sabi ni Aaron.

“I wanna date her!” Sabi din ni Robi.

“Oo nga oh! Ang sexy ni Devon!” Sabi ni Enchong na ikinalingon ni Sam. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Enchong, nakangiti. Sadyang ipinarinig nito ang sinabi.

Natigilan ang 3 at napatingin sa gawi niya. Unang nagsalita at lumapit sa kanya si Aj. “Pare, best friend mo pala si Devon. I saw your interview last Sunday. Tulungan mo naman ako sa kanya.” Pakiusap nito. Hindi alam ng mga ito na bestfriend niya si Devon, si Enrique lang ang nakakaalam. 

“No I saw her first. I bought that magazine!” Sabi naman ni Robi. Please make a way para magkakilala kami.” Pakiusap nito.

“No!” Madiing sabi ni Sam. “I know you all. Tantanan niyo siya!” Sabi niya sa lahat.

“Ok sige, twitter account. Anong twitter account niya? Kapag dinedma niya ako, titigil na ako.” Sabad naman ni Aaron na nakataas pa ang kanang kamay.

Nanatiling hindi umiimik si Enrique. Tumawa namang lumabas ng dressing room si Enchong.

“Ewan ko! Itanong niyo kay Enrique!” Sagot ni Sam saka sumunod kay Enchong sa labas. Muli niya kasing naalala ang ginawa ni Enrique kay Devon. Matagal na iyon kaso matinding dahilan iyon para hindi niya muling ipagkatiwala si Devon sa mga showbiz friends niya.   
    
-----

“…Even with those glasses, you still look pretty and interesting!”

Nakatingin si Devon reflection niya sa salamin. Inayos niya ang kanyang buhok at nagpulbo. Malamang kasi maya-maya lang ay makikita niya si Enrique. Ngayon kasi ang unang araw na may pasok sila matapos ang party sa bahay nila Sam. Napangiti siya noon maalala ang party. Buong gabi ay sila lang ni Enrique ang nag-uusap. Hindi siya nito iniwan.

Si Sam ang naghatid sa kanya pauwi noong gabing iyon dahil sa bilin ng mama nito. Gayon man, parang hindi umalis si Enrique dahil panay ang text nito.

Lumabas na siya ng CR. Nakita niya si Sam na nakasandal sa dingding na malapit sa pintuan ng palikuran. Nag-aantay ito dahil sabay silang kakain.

Dumiretso silang dalawa ng canteen.

Kumabog bigla ang dibdib niya noong makita niya si Enrique. Nakaupo ito at nakangiting kumakaway sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin, naramdaman na lang niyang hinawakan siya ni Sam sa kamay at dinala sa kinauupuan ni Enrique.

Naging palagian ang ganung eksena simula noong araw na iyon. Hanggang naging palagay ang loob niya kay Enrique. Naging mas sila na ni Enrique ang magkasama. Naiiwang mag-isa si Sam. Minsan napapansin niyang nalulungkot ang kaibigan kaso pag magkasama na sila ni Enrique, lahat yata nakakalimutan niya. 

At bago sila mag-graduate ay sinagot niya si Enrique!

------

Kakatapos lang ng kanyang klase noong magtext si Enrique na nasa labas ito ng FEU-Fern. Masaya siyang lumabas ng campus upang puntahan ang kasintahan. Magiging busy na kasi ito sa mga susunod na linggo dahil magsisimula na itong mag-tapping ng teleserye at movie. Kaya dapat samantalahin na nila ang ganitong pagkakataon.

Malapit na silang mag 1 year. She smiled. She’s so lucky to have Enrique. He’s very sweet and thoughtful not to mention that he also looks great.

“Hey how’s your day?” Tanong ng boyfriend niya habang hinahaplos ang mahaba niyang buhok. Nakatayo silang magharap sa may entrance ng yellow cabna nasa labas lang ng univeristy. Tumayo agad ito kanina noong makita siyang parating.

“Fine.” Nakangiting sagot niya. Nakabaseball cap si Enrique, simpleng T-shirt at maong. Her boyfriend still looks hot though.

“Come on! Let’s go!” He held her hand smilling and led her to where the parking lot is.

“San tayo pupunta?”

 “Basta!” Masayang sagot ni Enrique habang hinihila siya nito.

Humantong sila sa isang bahay sa Antipolo. Bahay daw iyon ng lola ni Enrique. Ipinakilala siya nito sa lola niya. Doon din sila nag-dinner.

“Babe, Sabi ni lola dito na lang daw tayo matulog, Saturday naman bukas eh!” Bulong ni Enrique sa kanya habang magkatabi silang nakaupo sa veranda. Nakatingala sila noon sa langit, nanonood ng mga bituin.

Nilingon niya ito ng nakatas ang kilay. “Ano ka?” Sinundan iyon ng pag-iling niya.

“Oo nga sabi niya talaga…” Tumawa ito ng mahina. “Bakit? harmless naman ako ah, you are safe with me!” Kinindatan pa siya nito.

“I doubt it!”  Kunwaring nakasimangot na sagot ni Devon.

Tumawa itong muli dahil sa reaksiyon niya “Ako lang ang pala ang nagsabi…” Iniharap siya nito sa kanya at masuyong tinitigan. “Mamaya uuwi na tayo… Can we…kiss?” Nakangiting tanong nito. “I mean… kiss! A true kiss!” Sa 8 months kasi nila ay puro smack lang sila.

Nahiya si Devon pero hindi siya sumagot. Inatay lang niya ang sunod nitong gagawin. Ililapit ni Enrique ang mukha nito ay dahan-dahang hinalikan siya sa labi. Matagal na naglaro lang doon ang mga labi nito, inanatay ang pagtugon niya. Maya-may ay napayakap siya sa leeg nito at tinugon ang mapanghanap na halik nito. The kiss was long and passionate. They were out of breath when the kiss ended.          

Iyon ang isa sa mga ilang masa-sayang panahon nilang magkasama ni Enrique. Kahit gaano ito kabusy sa trabaho nito ay naglalaan ito ng oras para sa kanya.

Ngunit dumating ang oras na kinakatakutan niya. Kumunti nang kumunti ang oras nila para sa isa’t isa, hanggang sa tuluyang nawala na lang.

Nahulog ang loob ni Enrique sa kanyang kapareha, umamin ang mga ito na may relasyon on national TV. Mas lalong tinangkilik ang mga ito ng tao dahil doon.

Kung lahat ng tao sa Pilipinas ay masaya sa Enrique-Lauren, siya naman ay nagdadalamhati. Ayaw niya sanang bumitaw noon kaso isang araw ay nakatanggap na lang siya ng mahabang DM galing dito. Nagsosory iyon. Nagpapaliwanag. Totoong mahal na daw nito si Lauren.      

Iyak siya ng iyak noon. Hindi man lang siya nito hinarap at nakipagbreak ng personal. Mabuti na lang at parating nanjan si Sam. Hindi siya nito iniwan. Nakonsensiya daw kasi ito dahil ito nga ang nagtulak sa kanya kay Enrique. Dumating pa nga sa puntong away sila ng away ng girlfriend nitong si Janine. Hanggang nagkalabuan ang mga ito at tuluyang naghiwalay but Sam stayed by her side.

Ibinuhos na lang niya ang atensiyon sa pag-aaral at ni hindi nag-entertain ng kahit isang manliligaw. First love kasi niya si Enrique kaya kahit 6 taon pa ang lumipas ay hindi pa rin niya ito magawang palitan.       
--------

Nakasalampak ng upo si Sam noong magring ang phone nito. Kasalukuyang nasa tapping siya, pagod na pagod. “Hello! Bakit?”

“Waaaaah kinikilig ako!” Boses iyon ng kaibigan.

“Bakit?” Sam inquired lazily.

“Kasi...Nag-iwan siya ng messages sa e-mail ko, sa FB at nag-DM siya sa twitter ko!” Devon stated in excited tone. 

Napaayos ng upo si Sam. Hindi na niya kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy nito. Para sa isang tao lang ang ganong reaksiyon ni Devon.“Ano naman?”

“He’s asking my new number. Ano? Ibibigay ko ba?”

“Wag mong ibigay!” Mabilis na utos ni Sam sa kaibigan. “Bakit? Ano? Magpapakatanga ka na naman?”

“Bakit sinabi ko bang papatulan ko siya ulet?” Ganting tanong ni Devon. “Gusto ko lang magmove on na, kasi di ba wala naman kaming formal break-up!”

“6 years na ang dumaan…! Tapos maghahanap ka pa ng formal break up? Ano ka ba?” Tuloy ang sermon ni Sam.

“Sam, feeling ko kailangan naming mag-usap eh!” Mahina ang boses ni Devon, nakikiusap. Inaantay ang approval niya.

2 comments: