CHAPTER 15
Walang duty si Devon sa ospital. Nakahilata lang siya sa higaan niya. She shook her head again to pushed away the kiss she and Sam shared last night. She sighed strongly and looked at her phone. Wala nang usual na kulitan sa BBM umagang-umaga palang. Napasimangot si Devon . Simula kagabi ay wala pang anumang text galing kay Sam.
Tumayo siya. Hindi pwede ang ganito. Time like this is very rare for a hospital servant like her. Hindi niya sasayangin iyon para lang mag-emote.
She went to Greenbelt . Isa-shopping na lang niya ang alalahanin niya. Tutal naman ay kailangan na di niya ng mga bagong damit.
Kalalabas lang niya sa ika-5 shop na pinasok niya noong tumunog ang cellphone niya. It was her ‘nay Ernie. Ibinababa niya ang 6 na paper bag na hawak. “Hello ‘nay? Bakit?”
“Kasama ko kasi si Sam, I was thinking if we could eat together…”
Pagkarinig ng pangalan ni Sam ay awtomatikong tumanggi siya. “Sorry ‘nay. I can’t, nasa ospital ako eh!” Pagsisinungaling niya.
“Ay ganon ba?”
“Oo ‘nay. Sorry ah!” Ayaw muna niyang makita si Sam. Hindi niya kasi alam kung paano ito pakikiharapan matapos ang nangyari kagabi. Kaya dahil magkasama sila ni ‘nay Ernie, damay muna ito pansamantala.
“Ah… okay! So sino tong babaeng nakikita ko sa harap ng Zara, nakagray na cardigan at may mga paper bag na kaharap?” Mataray na tanong ng nanay-nanayan niya.
Natigilan si Devon . Napalunok din siya ng sunud-sunod. Huli ka balbon!
Akala niya ay hindi niya gagamitin ang sobrang gasgas na expression na: “Sana’y kainin na lang ako ng lupa o sana’y magkaroon ako ng invisible power kahit ngayon lang!” Ngunit sa pagkakataong iyon ay ilang beses niyang inusal iyon, kaso walang nangyari.
Lumingon siya sa likod niya. Nakita niya si ‘nay Ernie na naglalakad papunta sa kinatatayuan niya. Nasa likod nito si Sam na mabagal ang lakad.
Wala na talaga siyang choice! Pinatay niya ang cellphone at pinulot ang mga napamili saka sinalubong ang nakakunot noong nanay nila.
“Nakakaloka! Iniiwasan mo kami? O si Sam lang?” Tanong agad ni ‘nay Ernie noong bahagyang makalapit si Devon sa kanila.
Hindi nakasagot si Devon agad. Pati si Sam ay walang anumang reaksiyon.
“Ano bang nangyari sa inyong dalawa? May nangyari ba kagabi na hindi ko alam?” Tanong muli nito na lalong ikinapipi ng dalawa.
Kumawit si Devon sa braso ng nanay-nanayan. “San tayo kakain, ‘nay?” Maya-maya ay tanong niya, pang-iiba nito sa usapan.
“Dyan lang!” Sagot naman nito. Saka mabilis na pumasok sa malapit na restaurant doon. Sinabayan naman ni Devon ang mabilis na paglalakad nito. Si Sam naman ay tahimik at mabagal pa ring nakasunod sa dalawa.
“Anong nangyari? Bakit ganyan kayo? Anong hindi ko alam?” Muling pag-iinterogate ni ‘nay Ernie sa dalawa noong makaupo na silang lahat. Nakataas ang kilay nito at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Obvious naman kasi talaga sila eh!
“’Nay ano ba? Wala! Walang nangyari. Pagod lang.” Si Devon na ng sumagot. “Hindi ba pwedeng mapagod? Mawala sa mood?”
“Kanina pa kaya kita nakita tapos sabi ko kay Sam tawagin ka. At ito…” Turo nito kay Sam. “…Ayaw, ayaw kang tawagin! Ang dami-daming rason!”
“Tapos ikaw naman, nagsinungaling. Nag-iiwasan kayo, halatang-halata!” Deklara nito na siguradung-sigurado. “Wag niyong bilugin ang ulo ko. Kung nag-away kayo, magbati na kayo!” He ordered while pointing his fingers on them.
Ernie stood up. “O sige mag-usap na kayo, punta muna akong restroom. Naiihi na talaga ako.”
Tinanaw nilang pareho ang papalayong si Ernie saka pasimpleng nagsusulyapan. Umayos ng upo si Sam at kunwari ay busy naman si Devon sa phone nito. Gustong-gusto na ng bawat isang magsalita kaso hindi nila parehong alam kung paano magsisimula.
Narinig ni Devon ang malalim na paghinga ni Sam saka ito nagsalita. “Devon !”
Saglit niyang tiningnan ito saka muling tumingin sa ibang direksiyon.
“I just…just…The other night…Well I…I am talking about…I am talking about the kiss!” Nauutal na sabi ni Sam. Diaskeng buhay ‘to para yun lang nauutal talaga siya!
The kiss! Sa wakas ay nasabi rin niya. Hindi siya pinatulog ng halik na iyon. Mabuti na lang at wala siyang commitment kinabukasan. Pagkagising ni ‘nay Ernie niya ay inaya siya nito sa Greenbelt ng hindi man lang niya natanggihan. Lutang pa rin siya hanggang ngayon. The kiss kept haunting him. It was the best kiss he ever tasted but then a kiss he shared with his best friend.
“It was inappropriate!” Narinig niyang sabi ni Devon . “It wasn’t good! We are friends. We are just…lonely, drunk and exhausted. Yun lang yun! We should forget it happened.” She shrugged.
Sandaling natigilan si Sam. We should forget it happened daw oh!
“Yes! Kalimutan na natin yun!” Nalungkot man si Sam sa narinig pero hindi siya nagpahalata. “Spell awkward! Tumatawang sabi ni Sam sabay iling but he’s dying inside. The kiss meant nothing for her!
“Yun yung kanina!” Malakas na sabi ni Devon habang tawa ng tawa.
..waaah!..next na po.. =)
ReplyDeletenice, nice!
ReplyDeletei love it:DD
@ black vanity
ReplyDelete@mhelon
THANK YOU SO MUCH!!! :):):)
Ouch , sakit nun ah para kay Sam :(
ReplyDelete