CHAPTER 3
“Mr. Concepcion why don’t you just focus on your showbiz career or maybe… quit showbiz for a while to study? You… are… in a classroom, and I expect you here to study not to sleep.” Malakas at madiin na sabi ng kanilang Physics teacher matapos ang malakas na pagtikhim nito.
Napangiti si Devon . Ganung-ganon mismo ang gusto niyang sabihin sa kaklase niyang iyon. Na sana mag-artista na lang siya kasi nagugulo ang klase nila sa presence nito. Naiirita siya dito. Pakiramdam niya ay dinadaan ang lahat sa mga pagpapacute nito. Isang pakiusap lang nito ay pinagbibigyan ng mga kaklase niyang mga babae at mga ilang teachers niya. Too bad, kasi iilang teachers lang ang nakakayang sigawan ito.
“I’m sorry sir…” Nahihiyang sagot nito.
“You always say that! But how many times did I catch you sleeping in my class?”
Hindi na inanatay ng ni Mr. Theodore Flores na sumagot si Sam. Mabilisan nitong inulit ang lecture nito at saka nagpalabas ng ¼ sheet para sa kanilang seat work. Ganon ang madalas nitong gawin kapag may natutulog sa klase o kung may maingay.
Gustong-gusto na ni Sam na maghome school. Apat na beses ang tapping niya sa isang linggo. Kapag pumapasok siya ay madalas siyang puyat. Kaya naman madalas siyang mapagalitan sa klase katulad ngayon. Kinausap na niya ang mama at papa niya tungkol dito. Naawa na ang mga ito sa kanya kaso ayaw ng mga ito na ihome school siya. Mamimiss daw kasi niya ang natural na buhay estudyante. Dapat dapat daw na ang work load niya ang bawasan niya. Pinipilit niyang pagsabayin ang pag-aaral at ang kanyang trabaho pero mahirap talaga. Bumalik siya sa pag-aaral dahil nangako siya sa mga magulang niya na ga-graduate na siya this time. Bukod doon ay advice din ni Mr. M. at ng Star magic na ituloy at tapusin niya ang pag-aaral niya.
------------
“Bata ka pa lang sikat ka na di ba? Anong gagawin mo pag hindi na umobra sa tao yang pagpapacute mo o pag nagsawa sila sayo? Maging drug addict? Alchoholic? magkakaasawa ng maaga? o mamamatay sa depression? Madalas mangyari yan sa mga sikat, di ba? Andaming ng Hollywood has beens ang naging ganun ang kapalaran. ”
Napalingon si Sam sa pinagmumulan ng boses. Paupo palang dapat siya sa isa sa mga upuan na nasa loob ng cafeteria. Nakita niya ang isang pamilyar na mukha, kaklase niya ito. Devon ang pangalan nito. Nakaupo at nakaharap ito sa table na may bukas na libro. Palaging ito ang may pinakamataas na score sa lahat ng exams lalo pag numbers ang pinag-uusapan. Ito rin ang palaging nang-iirap sa kanya pagpumapasok siya nang late at nahuhuli niyang nakangiti pag-ipinapahiya siya ng Physics teacher nila. Lumingon siya sa paligid niya. wala masdayong tao. Siya ba talaga ang kausap nito? Ni minsan kasi hindi siya nito kinausap o nilapitan man lang nito.
“Ang gusto ko lang sabihin ay sana i-prioritze mo yang pag-aaral mo. Showbiz is not everything. Madaming jan ang ipagpapalit ang lahat , para lang makapag-aral.” Parang isang magulang kung magsalita ito samantalang mas matanda nga siya dito. 2 taon din kasi siyang tumigil sa pag-aaral dahil sobrang hectic ng schedule niya sa pag-aartista.
Napakunot ang noo ni Sam. Nainis siya ng sobra. “Hindi kasing baba ng iniisip mo ang trabaho ko. Hindi rin ako kasing tanga ng mga ibang artistang sinasabi mo. Wala kang karapatang pangaralan ako, you’re just nothing!” Binigyan niya ito ng nakakalokong tingin.
“Wala dapat akong pakialam sayo kaso nakakairita na may special power ka over some teachers. Unfair na may mga special exams or special quizzes ka. Tama si sir Theodore, dapat choose between your studies at ng pag-aartista mo. Dahil nga sayo, kailagan ulitin niya ulet ang lecture niya kanina kasi late ka na naman.” Tuluy-tuloy na pahayag nito habang isinisilid sa bag nito ang mga gamit. Required na magsalita sila ng English kapag nasa school na iyon pero walang pakialam si Devon .
Masakit man pero tama lahat ang sinabi nito. Pumapasok siyang hindi nagrereview pero nakakapasa siya dahil malimit siyang pakopyahin ng mga kaklase niya. Nakakapagtake siya ng exams at quizzes kahit absent siya sa araw na dapat kunin iyon. Madalas siyang napagbibigyan. Naiintindihan kasi siya ng halos lahat. Masipag daw naman kasi siyang pumasok kahit pagod siya sa tapping.
Huminga siya ng malalim. Papatunayan niya ditong hindi siya artista lang. “I’ll top the Physics midterms exam.” Pahayag ni Sam na ikinalingon ng papaalis na si Devon . “And if I did, I’ll get a kiss from you.” Masyado siyang napahiya sa mga sinabi nito kanina and it’s time to redeem himself. Tatalunin niya ito.
“You don’t scare me!” Sagot ni Devon sabay alis sa eyeglasses nito. Sinadya na iyon para makita talaga nito ang mata niya, na hindi siya natatakot dito.
Cute pala ito kapat walang salamin sa mata,sambit ng utak ni Sam. “Baka nga mas ikatuwa mo pang bumagsak to get a kiss from me eh” Nginitian niya ito, yung tipo ng ngiting nagpapatili sa mga fans niya.
Napangiti din si Devon , pero ngiting nang-uuyam. “Talaga lang ha?” Muling isinuot ng dalaga ang eyeglasses nito. “At pag ako ang nagtop, bigyan mo ng bouquet of flowers si Enrique sa harap ng madaming tao.You’ll get a kiss from him instead.”
Bukod kay Sam, si Enrique ay isa ding artista sa kabilang section. Nakakatuwa yung eksenang iyong kung sakali. Mapapaisip ang lahat kung sino ba talaga sa kanila ang totoong lalaki.
“Just so you know, Math is always been my favorite subject. It just so happen that I have no time to study and not getting enough sleep.” Sam was very confident and smilling at her.
Kinabahan siya. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Seryoso ito. Mukhang nagkamali yata siya. Naisip niyang umatras pero iba ang lumabas sa bibig niya “Bring it on!” Sagot niya saka siya lumakad palayo.
nakaka excite at kaabang abang ang susunod na mangyayari.......I love this Fantic!!!
ReplyDelete