CHAP
CHAPTER 5
“Can I seat here?”
Kasalukuyang nag-aaral si Devon sa library. Sadyang pinili niya kanina ang pinakamalayong lamesa para walang istorbo. Madami naming ibang lamesa pero bakit ba may makikishare pa sa kanya?
“No!” Ni hindi niya inangat ang ulo niya upang tingnan kung sino man ang taong iyon. Patuloy niyang binabasa ang kanyang libro.
Napaangat bigla ang ulo niya nang marinig niyang may nanghatak ng upuan na nasa harapan niya. “I did’nt allow you to seat here!” Pahayag niya taong iyon. Dapat daw kapag nasa eskuelahan sila ay English dapat ang salita niya. Iyon ang isa sa mga rules na away niya sa St. Paul pero wala siyang choice, pinasok niya ito.
“We are in school library and everything in it is our school’s property, not yours. So…if I want to seat here, you can do nothing about.” Sagot ni Sam na nakaupo na.
Huminga si Devon ng malalim. Tama nga naman ito. Ayaw niya ng may kasama sa lamesa pero ayaw naman din niyang umalis. Siya ang nauna doon kaya hindi siya ang dapat umalis. Ipinagpatuloy niya ang bagbabasa niya pero parang may nararamdaman siyang nakatingin. Tumingin siya kay Sam. Nakatutok ito sa librong binabasa kaya pinaikot niya ang paningin sa paligid. Tama siya. Madami ngang mata ang nakatingin.
“People are staring. Your fans really want me dead right now.” She said while flipping the pages of her book. “It’s in their eyes.” Pagbibigay impormasyon niya kay Sam. Pandalawang tao lang kasi ang lamesang kinaroroonan nila kaya kahit gustuhin man nilang makiupo ay hindi pwede.
“That’s why I’m here. Harmless ka naman siguro diba? Unless, I’m wrong?” Tanong nito sa kanya habang nakatitig sa mukha niya ang mga nakangiting mata nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. “I hate your guts!” Sagot ni Devon sabay ang irap nito saka ibinalik ang atensiyon sa binabasa.
Hindi na siya kinausap pa ni Sam. Muling nabawi niya ang focus na kanina ay nawala sa pagdating nito. Matagal-tagal din sila sa ganong eksena. Ang tanging naririnig lang ay ang paglipat nila ng mga pahina ng kanya-kanya nila binabasa nila. Manaka-naka din ang paglalaro ni Sam sa ballpen nito. Maya-maya ay nagulat silang dalawa sa biglaang pag-vibrate ng phone nito sa ibabaw ng lamesa.
Sabay napaangat ang mga ulo nila at napatingin sa umeeksenang bagay.
“I’m sorry!” Hinging paumanhin ni Sam. Pinatay nito ang telepono at isinilid iyon sa bag.
Hindi siya sumagot. Muli niyang ibinaba ang mga mata sa kanyang libro.
“This is good for the brain.” Narinig niyang sabi ni Sam habang inuusod palapit sa harap niya ang isang bagay.
A chocolate bar! Nagutom siya bigla sa nakita. Alam niyang masarap talaga ang chocolate pero ang nasa harapan niya ngayon ay mukhang hindi lang masarap, mamahalin din iyon. Napalunok siya. Gustong-gusto niyang kainin na iyon kaso bukod sa bawal kumain sa library ay nahihiya din siyang tanggapin iyon. Dinedma niya ito at kunwari abala pa rin sa pagbabasa.
“Thank you for allowing me to seat here.” Ani Sam.
Napatigil siya. Tinarayan niya ito kanina pero nag-thank you pa din ito. Sasagot na sana siya pero huli na. Nakatalikod na ito palayo.
------
Kung dati ay mas madami ang oras niya sa trabaho, ngayon ay mas nasa school si Sam. Noong natapos kasi ang tapping niya sa teleseryeng kinabibilangan ay hindi na muna siya tumanggap ng trabaho. Ang once a week na tapping sa ASAP, mga ilang out of town shows at ilang TV guestings lang muna ang ginagawa niya.
Kung noong una ay nagugulat si Devon kung basta-basta na lang sumusulpot si Sam kapag nasa library siya, ngayon ay nakasanayan na niya ito. Hindi naman kasi siya nito ginugulo. Kung hindi niya ito kinakausap o sinasagot man lang ay hindi na lang din ito kumikibo. Tutal naman ay palaging may bayad itong chocolates tuwing nakikiupo ito. Hindi na din masama.
-------
“Is Ms. Devon Seron absent?” Tanong muli ng English teacher nila sa klase. Ito ang huling subject nila ngayon araw. Simula pa kanina kaninang umaga ay wala ang dalaga. Ito ang kauna-unahang absent nito, kaya halos lahat ng teacher ay hindi makapaniwala.
Tiningnan ni Sam ang bakanteng upuan nito sa harap. Anong kayang nangyari doon?, hindi niya maiwasang tanong sa sarili. Hindi din naman niya alam ang phone number nito.
Matapos ang klase nila ay nakatanggap si Sam ng text mula sa road manager nito. Pinapapunta siya nito sa isang lugar sa Malate. May idinagdad daw kasing eksena sa seryeng kinabibilangan niya, buong akala pa naman niya ay tapos iyon. Wala siyang magagawa, parte iyon ng trahabo niya.
Umuwi lang siya sandali upang makaligo. Pangako naman sa kanya na sandali lang iyon. Ang sandali iyon ay naging 6 na oras. Late kasi dumating ang artistang ka-eksena niya. Tuloy ay halos madaling araw na siya nakauwi. Buti na lang at Saturday na.
Hindi pa sila nakakalayo ng may eksenang nakatawag sa kanyang pansin. May isang lalaking akay-akay ang isang babaeng halatang lasing na lasing. Ang kalyeng dinadaanan nila ay may mga ilang bar. Karaniwang eksena lang iyon kung tutuusin pero iba ang kutod niya dahil sa uniformeng suot ng babaeng lasing.
“Kuya Danny, ibalik mo. Bilis!” Utos niya sa driver nila.
“Sir bakit ho?” Tanong naman nito.
“Basta ibalik mo! Bilisan mo kuya.”
Mabilis siyang umibis sa sasakyan at patakbong hinabol ang hindi pa nakakalayong pares. “Pare, Pare! Sandali lang.” Tawag ni Sam sa lalaking umaakay sa babae.
Tumigil ang lalaki at lumingon sa kanya. Hindi nag-aksaya ng panahon si Sam. Lumapit siya at hinawi ang mga buhok na tumatabing sa mukha ng babae.
“Oh! Shit!” Napamura siya. “I know her. She’s a friend. Bakit pare san mo siya dadalhin?” Baling niya sa lalaki.
Nahintakutan ito. Nakilala din siya nito. “I…uuwi ko… sana si…ya sa… kanila” Nauutal na sagot nito saka binitiwan si Devon . Matapos iyon ay lumakad na ito ng mabilis palayo.
Alam niyang hindi nagsasabi ng totoo ang mama. May balak itong masama kay Devon . Kailangan mahuli niya ang lalaking iyon. “Kuya Danny, bilis tulungan niyo ako dito.” Sigaw ni Sam habang inalalayan si Devon .
Gusto man niyang pigilan ang lalaki pero nakatakbo na ito ng mabilis. Tiningnan niya si Devon . Amoy alak ito. Gising ito pero lasing na lasing at ni hindi nito magawang imulat ang mga mata.
“Devon, Devon !” Ninugyog niya ang balikat nito. Umungol lang ito.
Magkatulong na ipinasok nila ng driver niya si Devon sa kotse. Kinakabahan si Sam dahil baka sinalbahe na si Devon sa kung saang bar man na pinuntahan nito. “Devon , may ginawa bang masama sayo ang lalaking iyon?” Hindi mapigilang tanong ni Sam.
“Please tell me!” Bulong niya dito noong walang anumang sagot galing kay Devon .
“Wa…la” Maya-maya ay sambit nito habang panay ang iling ngunit nakapikit pa rin ito.
Kahit paano ay napanatag si Sam. Pero lasing si Devon kaya kailangan pa rin niyang makasigurado.
“Sir, san tayo?” Tanong ng driver niya.
Nag-isip siya. Kung dadalhin niya si Devon sa ospital ay baka pagkaguluhan lang sila. Makakaattract iyon ng media dahil nga sa artista siya. Kung sakali mang may nagyari ngang masama kay Devon ,hindi dapat malaman iyon ng publiko.
“Diretso po tayo sa bahay at pakibilis lang po.” Sagot niya. Obgyn ang Mama niya. Kung gusto niyang makatiyak kung anong nangyari kay Devon , malaki ang maitutulong ng Mama niya.
I'm so curious about what Happen???.....next chap. pls..........
ReplyDeletenxt plz...
ReplyDeleteyou got me talaga!!!!!!!!!!!! hahahaha next na pls....................
ReplyDeletethank you clarence joy, sorry for the long wait:)
ReplyDeletejulie, sincere thanks! :)
and veebello, ha,ha! got cha! :)
thank you everyone!:)